Chapter 6

1969 Words
GUSTO na sana ni Rain umalis sa mansiyon ngunit hindi siya pinayagan ng kaniyang ina. Inusig pa siya nito kung bakit atat siyang umalis doon. “Dahil ba kay Kaiden?” untag ng mama niya. Nasa hapag-kainan sila at nag-aalmusal. After lunch pa naman ang taping niya sa endorsement kaya hindi siya nakaalis nang maaga. Matiim siyang tumitig sa kaniyang ina, pilit pinabulaanan ang katotohanan. Ayaw niyang sabihin dito na ginugulo siya ni Kaiden baka lalong magkainitan ang mga ito. “Hindi, Ma. Nahihirapan lang ako kasi malayo na ako sa studio namin,” alibi niya. “Eh hindi naman ganoon kadami pa ang project mo, anak. At saka mas mainam kung narito ka nang makita ni Lucio na may care ka rin sa pamilya. Baka maambunan ka pa ng mana.” Bumuga siya ng hangin. Puro yaman pa rin talaga ang nasa isip ng mama niya. Samantalang siya ay magbago na ang isip. Hindi na siya aasa na maaambunan ng mana mula sa kayamanan ni Lucio, lalo’t dumating ang anak nito. “Ma, sapat na ho sa akin ang mga naibigay na tulong ni Tito Lucio. Malaking bagay na ang condo unit at kotse na bigay niya. Bonus na kung maisip niyang maging bahagi ako ng company niya.” Ginagap ng ginang ang kaniyang kamay. Nagpapakaawa na naman ito. “Please, iha, huwag mo akong iiwan mag-isa rito. Ramdam ko na galit pa rin sa akin si Kaiden at ang lola niya.” “Kaya nga po magpakumbaba na kayo. Makisama kayo sa kaniya nang maging magaan ang pakikitungo nila sa ‘yo. Kalimutan na natin ang nakaraan na hindi maganda.” “Paano ako makikisama, alam mo naman kung paano makitungo si Kaiden. He’s naughty, arrogant, bastos pa kung minsan sumagot.” “Kung walang magpapakumbaba sa inyo, hindi talaga kayo magkakasundo. Pero kakausapin ko po si Lola Leticia.” “Sige, pero huwag ka munang aalis dito, ha?” Tumango na lamang siya at itinuloy ang pagsubo ng pagkain. Naunang natapos kumain ang mama niya at pinuntahan sa kuwarto si Lucio na nagtatawag. Ito pa rin ang nag-aasikaso ng gamot ng ginoo at hindi na kumuha ng bagong caregiver. Iniligpit niya ang pinagkainan nilang mag-ina at dinala sa kusina. Kapag late na siyang nag-aalmusal ay hindi na inaasa sa katulong ang hugasin. Nadatnan niya sa kusina si Lola Leticia at nagbabalat ng hinog na papaya. “Magandang umaga po, Lola!” bati niya rito. “Magandang umaga rin naman, Rain.” Malapad na ngumiti ang matanda. Wala silang problema nito. Sobrang bait nito sa kaniya kahit noong nagpaalam siya na aalis at iniwan si Kaiden. Lumapit siya sa lababo katabi ng matanda. “Kumusta na po kayo?” pagkuwan ay tanong niya rito. “Ayos lang naman ako, iha. Tuloy pa rin ang paggagamot ko sa diabetes.” Naalala niya, isa sa pinag-iipunan ni Kaiden ng pera ay ang maintenance na gamot ng lola nito sa diabetes, kaya minsan ay walang natitira sa kinikita nito noon. Hindi rin kasi sapat minsan ang kita ng tiyuhin nito na may-ari ng gym, na siyang natitirang anak ng lola nito na buhay at pamilyado. “Um… pasensiya na po kayo sa mga nangyari noon. Alam ko nasaktan din kayo sa naging desisyon ko na iwan si Kaiden,” aniya. “Naintindihan kita, Rain.” Tinapik nito ang balikat niya, tipid na ngumiti. “Hindi rin kita sinisi sa pag-iwan mo sa apo ko. Nasaktan lang ako noong nakita ko kung paano napabayaan ni Kaiden ang kaniyang sarili. Mahal na mahal ka niya kaya ganoon na lang siya nasaktan. Pero hindi mo iyon kasalanan, Rain. Tama lang ang naging desisyon mo dahil alam ko na hirap ka na rin sa sitwasyon ninyo. At saka kilala ko si Kaiden. Oo, hindi siya perpekto, maraming negatibong katangian. At karapatan mong makahanap ng lalaking hindi ka bibigyan ng sakit sa ulo.” May kung anong matatalim na bagay ang tumarak sa kaniyang dibdib. She cannot help but feel guilt, yet she doesn’t have reasons to regain what she had let go. Her decision was final. “Labag din naman po sa loob ko noon na iwan si Kaiden, pero kung hindi ko iyon ginawa, baka lalong lumala ang sigalot sa pagitan namin. At least, ngayon ay maayos na ang buhay niya. May sarili na rin akong buhay. Ang sa akin lang ay kalimutan na rin niya ang nakaraan at mag-move on.” “Wala ka na bang nararamdaman kahit katiting para sa apo ko, Rain?” mamaya ay usig ng matanda. Napatitig siya rito. She can’t deny that Kaiden still had a slot in her heart, but she has to deal with her decision. Ayaw na niyang gawing komplikado ang buhay niya. “Hindi ko po nakalimutan si Kaiden, pero wala na akong dapat balikan sa kaniya. Masaya na ako sa buhay ko ngayon,” sabi niya lang. “Kung sa bagay. Desisyon mo ‘yan. Kung masaya ka naman, ipagpatuloy mo lang. Makapag-move on din si Kaiden.” Tumango lang siya. Nagpapasalamat siya dahil hindi nagbago ang tingin sa kaniya ni Lola Leticia. Alam din kasi nito ang mga sakripisyo niya upang maituwid si Kaiden noon. Matapos ang paghuhugas ng plato ay tinulungan niya si Lola Leticia maghiwa ng papaya. Ang dami nitong kuwento tungkol kay Kaiden, sa mga nangyari noong umalis na siya sa lugar nila. May ilang pangyayari na hindi kinaya ng puso niya, katulad ng minsang pagbalik ni Kaiden sa bisyo at droga. Pero iniwan din ulit iyon ni Kaiden dahil sa tiyaga ng lola nito sa pangaral. “Tinakot ko siya na kung hindi siya titigil sa bisyo niya ay lalong kamumuhian mo siya. At upang malayo siya sa barkada, gumawa ako ng paraan upang makausap si Lucio. Ayon, nakumbinsi ko si Kaiden na magpakilala na sa tatay niya,” kuwento ng matanda. Naisip ni Rain na posibleng isa rin siya sa dahilan bakit nagpakilala si Kaiden sa ama nito. Siyempre, nabatid nito na nagpakasal ang mama niya sa tatay nito. Naudlot ang kuwentuhan nila nang biglang dumating ang paksa nila. Speaking of the devil. Pumasok si Kaiden, tanging itim na jogging pants ang suot, pawisan. “Good morning, ladies!” bati nito, dagling lumapit sa mesa at pumitas ng isang saging mula sa fruit basket. Nakaupo na sila ng matanda sa harap ng mesa at kumakain ng papaya. Pumuwesto si Kaiden sa tabi ng lola nito saka binalatan ang saging. Napatitig siya rito nang pahiran nito ng nutella ang saging saka dinilaan habang nakatitig sa kaniya, malagkit ang tingin. At bigla siyang may naalala sa pagkain nitong saging. “I missed the banana with creamy mixed chocolate and peanut butter,” sabi nito, pinaalala sa kaniya ang kalandian niya. She once put a mixed chocolate and peanut butter on Kaiden’s d1ck and licked it. They loved erotic foreplay before doing the scene they had watched in the movie, like using stuff usually used in bondage. Nagsisimula na naman si Kaiden. Pilit niya itong binabalewala pero mamaya ay sinundot ng paa nito ang hita niya. Napatitig siya rito nang masama. Pilyo lang itong ngumiti habang nakatitig pa rin sa kaniya. Binilisan niya ang pag-ubos ng papaya saka nagpaalam kay Lola Leticia. “Maliligo pa po ako,” aniya. “Uminom ka muna ng tubig,” ani Kaiden, inabutan siya ng isang basong tubig. “Thanks.” Kinuha niya ang baso saka inisang lagok ang tubig. “Aalis na ako,” paalam niya at walang likod-lingong lumisan. Dumiretso siya sa kaniyang kuwarto at naligo sa banyo roon. Alas otso pa lamang ng umaga pero gusto na niyang pumunta sa studio nila. Kaso may usapan sila ng mama niya na sasamahan niya ito at si Lucio sa ospital, bago siya pupuntang studio. Si Kaiden kasi ay aalis ng tanghali kasama ang secretary upang bisitahin ang kumpanya ng daddy nito, and to familiarize the business. Pagkatapos maligo ay binalot lamang niya ng tuwalya ang kaniyang katawan saka nagsipilyo. Doon na siya nagsuklay ng buhok na tinuyo ng tuwalya. Paglabas niya ng banyo ay kamuntik na siyang panawan ng kaniyang kaluluwan. “Ay, kabayo!” bulalas niya sa pagkagulat nang mamataan si Kaiden na nakaupo sa gilid ng kaniyang kama. “Nice! Hindi na palaka ang sinasambit mo sa tuwing nagugulat,” nakangising sabi nito. “Pano ka nakapasok, ha?” nanlalaki ang mga matang tanong niya. “Hindi naka-lock ang pinto mo.” Itinuro pa nito ang pinto. “Kahit na! Hindi ka dapat pumasok na walang permiso ko!” asik niya. “Why not? Para ka namang others.” He smirked. Dinampot nito ang nasira niyang vibrator sa bedside table. “Seriously? You use this toy?” nang-uuyam nitong untag. Padabog niya itong nilapitan at akmang aagawin ang vibrator sa kamay nito ngunit ipinagkait nito. Inamoy pa nga nito. “Nagamit mo ba ‘to kagabi? Amoy mo, eh. Pero nasira na ata.” “Buwisit ka! Akin na ‘yan!” inis niyang saad. Pilit niyang inaagaw ang vibrator pero itinaas nito at inihagis pa sa basurahan. “You don’t need that, Rain. Using that stuff was insulting my c*ck,” anito. “F*ck you!” “Oh, I like that. Come on, let’s f*ck!” hamon pa nito. Sinuntok niya ito sa dibdib pero balewala rito, hinuli pa ang kamay niya at hinatak siya palapit dito. Kamuntik na siyang mapaupo sa mga hita nito mabuti nakabuwelo siya paatras. Nabitawan nito ang kamay niya. “Never again, Kai! Kahit ikaw na lang ang lalaki sa mundo, hindi na kita papatulan! Malamang kung sinu-sinong babae na ang sinalpakan mo ng bayag mo!” gigil niyang wika, walang preno. Tumawa pa ang hudyo. “Bakit, ikaw ba ay hindi nagpatira sa ibang lalaki sa tuwing mami-miss mo ako?” walang gatol nitong sabi. Hindi siya nakapagpigil at pinalipad ang kaniyang palad sa pisngi nito. “Bastos! Ano’ng akala mo sa akin, kaladkarin?” Hindi ininda ni Kaiden ang pananakit niya pero umigting ang panga nito at mayahap siyang tinitigan. “Don’t me, Rain. Imposibleng hindi ka nagpapagalaw sa boyfriend mo. And your vibrator proved that you’re still sexually liberated,” may diin nitong sabi, na lalong kinainis niya. Aware siya sa boldness ni Kaiden at alam din niya na hindi siya mananalo rito pagdating sa bangayan. “Normal lang malibugan, Kai, and it doesn’t mean na ikaw lang ang nagpapainit sa akin. I can survive without your f*cking d1ck!” asik niya. Kaiden chuckled. “Really?” Tumayo na ito, sinuyod siya ng tingin. “Let’s see if you would survive this time,” he said huskily, stretching his hand and caressing her neck--down to her breast. Iniwaksi niya ang kamay nito. “Get out!” pagtataboy niya rito. Tumalas ang titig nito sa kaniya. “Fine. I will leave, but I have something to tell you. Dad wanted you to guide me tomorrow to his agency pilot offices.” Nawindang siya. “Why me? Nag-request ka?” “Nope. Dahil gusto ni Daddy na maging parte ka ng talent agency.” Nagduda na siya rito. “I can’t accept that.” “I didn’t ask you to decide, Rain. It’s necessary since you’re part of the family now, my stepsister,” anito, pilyo ang ngiti saka naglakad patungong pinto. Huminto pa ito nang mabuksan ang pinto at muli siyang nilingon. “And for your information, I didn’t f*ck other women with my c*ck. They just gave me a blowjob. I told you I’m yours, Rain. And my d1ck only could recognize you and wanted to fill you in,” he said before leaving. Naiwan siyang tulala at nawiwindang. Wala namang nabanggit ang mama niya tungkol sa desisyon ni Lucio na maging parte siya ng kumpanya. O baka naman talagang hiniling ni Kaiden sa ama nito na siya ang aalalay rito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD