HINDI pa rin makapaniwala si Bratinella na naroon siyang muli sa bahay nina Jayden at masaya pa siyang sinalubong ng mga magulang nito at ni Dilan. Nagulat pa siya ng makita ang ina ni Jayden na hindi na kasing lakas tulad ng una niya itong makita, bagaman at nakakatayo ito at nakakalakad ay hindi na naman ganoon kabilis kumilos. Hindi niya alam na nagkasakit pala ang ina nito. Nailibot niya ang tingin sa kabuuan ng silid na siyang uukupahin niya habang naroon siya. Nakatawag na rin siya sa kanyang ina at sa pangalawang pagkakataon ay nakapaghabi na naman siya ng kuwento rito na kesyo nasa Cebu siya ngayon. Sa kadahilanang biglaan ang pagpunta roon at kasama siya. Hindi na rin naman nag-usisa pa ang kanyang ina. Mag-ingat na lang daw siya. Kinamusta rin niya ang anak na nasa paaralan pa n