DUX KAAGAD akong napangiti nang pagpasok sa aming silid ko ay nakita ko pa si Blessy. Hindi pa siya umaalis. Halos araw-araw na lang kasi simula nang magturo na siya ay maaga ang alis niya. Palagi na lang siyang nagmamadali. Lumapad ang pagkakangiti ko habang tinitingnan ko ang uniporme niya. Kahit pormal iyon, hindi pa rin maikakaila na napaka-sexy ng asawa ko dahil hapit iyon sa magandang hubog ng kaniyang katawan. It’s been three years simulant nang magturo siya bilang elementary teacher sa isang malaking public school dito sa Cebu. At sa loob ng mga panahon na iyon na nakikita ko ang aking asawa na suot ang uniporme niyang iyon, hanggang ngayon, hindi ko pa rin maiwasan na mabighani sa kaniya. “Babe,” Puno ng excitement na bumangon ako nang mapansin ko na tila hindi siya nagmamadal