BLESSY NAPALINGON ako sa banyo nang marinig ko ang pagbbukas ng pinto niyon. Makisig na katawan ni Dux na nakatapis lang ng towel ang bumungad sa akin. Kaagad siyang napangiti nang makita niyang gising na ako. Ang pag-angkin agad sa mga labi ko ang ginawa niya nang makalapit siya. “Good morning sa maganda kong asawa.” “Ang aga-aga pero nambobola,” pasungit na sagot ko. Walang kangiti-ngiti na umiwas ako nang akmang hahalikan niya uli ako. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong nakaramdam ng pagkainis sa kaniya. It’s been one-year simula nang maikasal kami ni Dux. Dito na talaga kami nanirahan sa Cebu kasama ang mga anak namin. Four years old na si Clay at mahigit isang taon naman si Catriona. Si Heaven, kakaalis lang nakaraang buwan papuntang Barcelona. Doon kasi siya nakahanap n