FINALE

2545 Words

BLESSY WALANG pagsidlan ng kaligayahan ang puso ko sa mga oras na ito habang pinapanood ko si Dux na dinudumog ng taumbayan ng San Victores. Kaninang umaga lang kami dumating dito sa mansiyon. Pero simula nang mabalitaan ng mga ito ang dating mayor nila ay nagdagsaan na ang mga tao para makita at kumustahin siya. Karamihan nga sa kanila ay may mga dala pang pasalubong na kung ano-ano. Regalo daw nila iyon sa kasal namin na hindi nila nadaluhan. Bilang kapalit, binibigyan din sila ng pasalubong ng asawa ko na pinaghirapan niyang dalhin at bitbitin pa mula Cebu. Kahit tig-iisang balot lang ng Dried Mango, Danggit, at Rosquillos ang bitbit pauwi, kitang-kita ang tuwa at pasasalamat sa mukha ng bawat taong umaalis. Parang gusto kong maiyak dahil sa umaapaw na tuwa sa puso ko nang makita ko

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD