BLESSY “MARS, kumusta kayo? Okay lang ba kayo?” nag-aalala na sinugod ako ng yakap ni Ma’am Lucerna pagkababa ko ng hagdan. Kasunod ko lang si Dux habang naiwan naman sa itaas ang mga bata, “Nabalitaan ko ang ginawa ni Anita kaya sumugod agad ako dito. Nag-alala ako sa inyo.” Tumango ako at saka gumanti ng yakap sa kaibigan ko, “Thank you, Mars. Pero okay lang naman kami. Si Dux ang hindi okay kagabi dahil nawalan siya ng malay after lagyan ng lason ni Anita ang gatas na ibibigay niya sana sa’kin pero ang asawa ko ang nakainom.” Pagkatapos kong magpaliwanag sa kaniya ay saka ako dahan-dahan na kumawala. “But don’t worry. Natingnan na siya ng doctor at napainom na ng gamot.” Saglit na sinulyapan ni Ma’am Lucerna ang asawa ko. “Mabuti naman at hindi grabe ang inabot mo, Mayor. Dapat lang