DUX NAGISING ang diwa ko nang maramdaman ko ang tila mga kamay na humahaplos sa katawan ko. Pilit kong iminulat ang aking mga mata. Pero hindi ko magawa. Pakiramdam ko, parang sobrang bigat ng mga talukap sa mga mata ko. Parang naninigas din ang buong katawan ko na hindi ko magawang gumalaw. Natigilan ako nang maramdaman ko na animo’y isa-isang binubuksan ang mga butones ng polo na suot ko. Hinuhubaran ako! Sa halip na mag-alala, napangiti ako sa pag-aakalang si Blessy ang gumagawa sa’kin nito. Wala naman kasing ibang tao dito sa bahay na mangangahas nang ganito sa katawan ko maliban sa asawa ko. Naliwanagan na kaya siya at ito ang paraan ng pakikipag-ayos niya sa akin? Ang paligayahin ako? patuloy na kausap ko sa aking isip dahil kahit ang sariling bibig ko ay hindi ko maibuka. Umig