Chapter 47-MY HUSBAND IS MY BROTHER

2011 Words

BLESSY NAALIMPUNGATAN ako nang magising ang aking diwa at hindi ko nakapa sa aking tabi si Dux. Mabilis na iminulat ko ang mga mata. Pero mabilis din na naisangga ko ang aking braso nang masilaw ako sa liwanag na nagmumula sa maliit na awang ng bintana. Lalo akong nag-aalala nang sa pagtayo ng kama ay nalaman ko na wala talaga dito sa silid ang asawa ko. Siguradong maaga na naman siyang gumising para siya naman ang mag-asikaso sa pagpasok ng mga bata. Kahit kasi bumalik na sa pulitika si Dux, hindi naman niya hinahayaan na akuin ko nang mag-isa ang obligasyon sa mga bata. Lalo na sa pag-aasikaso tuwing umaga. Kapag wala lang naman siyang mahalagang gagawin sa munisipyo, hindi siya pumapasok nang mas maaga para matulungan pa niya ako. Madaling araw pa lang ay gising na siya kahit may mga

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD