BLESSY “SAAN mo ba talaga ako dadalhin, babe?” pang-ilang ulit na tanong ko na kay Dux habang lulan kami ng van. Kasama namin ang aming mga anak. Pero kahit ang mga ito man ay hindi sinasagot ang tanong ko. Hindi ko alam kung talaga bang wala rin silang alam tulad ko o sinabihan lang sila ng kanilang ama na huwag magsalita. Ang sabi kasi ng asawa ko kanina bago kami umalis ng bahay, may pupuntahan daw kami. Surprise daw kaya hindi muna niya sinabi sa akin. Hindi ko tuloy maiwasan ang ma-excite. Gayon man ay hindi ko mahulaan kung ano iyon. Hindi naman namin monthsary or anniversary. Mas lalong hindi ko rin birthday. “Mommy, huwag na po kayong maraming tanong, please? Kaya nga po surprise ‘yon namin ni Daddy, eh,” tila nakukulitan nang saway sa akin ni Catriona. “Oo nga naman po, Mommy!