BLESSY “S-SENYORA BLESSY, maniwala ho kayo sa’kin… Wala talaga akong kinalaman diyan. Hindi ako ang nagtapon niyang cellphone n’yo sa inidoro,” umiiyak at patuloy na pagtatanggol ni Ate Imelda sa sarili habang ikinukulong siya ni Izaak sa stockroom na may rehas na pintuan. Ang sabi kasi ng kaibigan ko, malakas daw ang kutob niya na may kinalaman ang mayordoma sa mga nangyayari. Inconsistent daw ang mga statement nito. Tulad na lang ng mga ibinibintang nito kay Anita. Baka raw na-frame lang ni Ate Imelda ang yaya. Pati na rin ang pagkakasaksak diumano ng killer sa kaniya. Improsible raw na buhayin pa siya niyon kung gano’n na naabutan pala siya. Ang hula ni Izaak, baka raw pakana lang iyon ni Ate Imelda para makuha lalo ang loob namin. Hindi ko kayang paniwalaan hanggang ngayon. Masiyado