BLESSY KABA, takot… at pag-aalala. Gano’n ang tamang description sa halo halong nararamdaman ko ngayon nang iwanan ko ang head security habang nakikipaglaban sa killer. Hindi ko naman siya kayang tulungan dahil aminado naman ako na wala akong laban sa mamamatay-tao na iyon. Kung iyon ngang mga nagbabantay sa amin na magagaling pa makipaglaban at humawak ng baril ay napatay niya ng walang kalaban-laban. Ako pa kaya? Kaya ang tanging concern ko na lang ngayon ay ang kaligtasan ng mga anak ko. Mas binilisan ko pa ang pagtakbo papasok sa bahay. Hindi ako puwedeng mahuli. Malay ko ba na may iba pang kasamahan ang killer na ‘yon. Kulang na lang ay mapaiyak ako sa tuwa nang madatnan ko sina Catriona at Clay na masaya pa ring nanonood ng TV sa sala. Walang kamalay-malaya sa mga nangyayari sa