BLESSY “IT’S nice to finally meet you, Bless.” Natigilan ako nang marinig ko ang sinabi ni Kuya Brandon habang pabalik siya rito sa lamesang kinaroroonan ko. Ilang segundo pa ang lumipas bago ako nakabawi at nakahagilap ng isasagot. “It’s nice to meet you, too, Kuya,” mga salitang hindi ko inaasahan na lalabas sa bibig ko sa oras na magkita kami ng anak ni Tita Virginia. Ang buong akala, problema din ang dala ni Kuya Brandon sa buhay ko, tulad ng kaniyang ina, kapag nagkita kami nang ganito. Pero kabaligtaran pala. “So, kumusta naman ang maging parte ng pamilya Reyes?” tanong niya uli matapos siyang umupo sa katapat na upuan ko. “I feel so blessed.” Gumuhit ang totoong ngiti sa mga labi ko. “Lalo na kay Daddy Aurelio at Dux.” “Good.” Seryoso ang mukha na tumango-tango siya. “Eh, ang