BLESSY “BAKA tatlong araw ako sa Ilocos, babe. Pero kapag natapos nang maaga ang seminar namin, uwi agad ako. Tawagan mo lang si Danica kapag may kailangan ka at hindi mo ako ma-kontak,” wika ni Dux habang magkatulong kaming nag-aayos ng kaniyang maleta na dadalhin sa pag-alis. “Kasama mo na naman si Danica?” “Of course, she is my secretary. Kailangan ko siya sa seminar na iyon.” Alam ko naman iyon. Pero hindi lang talaga ako komportable na magkasama silang palagi ni Danica. Halos lahat kasi ng mga out-of-town seminar ng asawa ko ay kasa-kasama niya ang babaeng iyon. Sabagay, gano’n din naman si Melinda noon. Iba lang talaga ang pakiramdam ko sa bagong secretary ni Dux. Medyo may pagka-flirt kasi ang personality no’n. Hindi rin approachable sa akin. Kulang na nga lang tarayan niya ako