DUX HINDI ko muna pinayagan na pumasok nang ilang araw si Blessy para makapagpahinga siya. Akala ko nga kokontrahin niya iyon. Pero ang saya ko dahil pumayag siya. Ito ang unang beses na a-absent siya nang matagal sa trabaho niya. “Nagugutom ka na ba?” masuyong tanong ko sa aking asawa bago ako umalis para ihatid naman sa school ang mga bata. Umupo ako sa gilid ng kama kung saan siya nakahiga pa, “Puwedeng mauna ka na lang mag-breakfast. Huwag mo na akong hintayin. Baka kasi ma-traffic ako pabalik, eh.” “Hindi pa naman, babe. Hihintayin na lang kita para sabay tayong mag-almusal.” Hindi ko na kasi siya ginising kanina para sabayan sa breakfast ang mga bata. Ang himbing kasi ng tulog niya. Gusto ko siyang makapagpahinga nang maayos. “Bakit kasi ayaw mo akong payagan na sumama sa’yo sa p