BLESSY HINDI ko maipaliwanag ang sayang nadarama ko nang makarating ang aming buong pamilya sa Hacienda Ramona. Nakita ko kasi kung gaano rin kasaya ang aming mga anak, lalo na ang kambal na sina Bradford at Sebastian. Simula nang umalis kami ng airport ay hindi na sila tumigil sa pamamangha sa bawat lugar na aming nadadaanan. Buong biyahe yata naminn ay puro ‘wow’ lang ang naririnig ko sa kanila. Ganoon din ang mga bagong salta rito na mga kaibigan namin na sina Maureen at Banjie. Mas lalong naging masaya ang biyahe ng mga bata dahil kasama rin namin sa van si Makisig at mga anak niya. Ganoon din ang mga anak ni Atty. Ton-Ton. “Sa bahay na lang muna kayo tumuloy. Tapos kina Kuya Ton-Ton naman kayo sa susunod na araw. Baka kasi magtampo,” sabi ni Makisig habang palapit nang palapit kam