BLESSY DUX was still in shock. Hindi pa rin siguro siya makapaniwala na nalaman ko ang tungkol sa bagay na iyon. At tinitingnan ko pa lang ngayon ang hitsura ay sobrang nasasaktan na ako. Baka lalong madurog ang puso ko kapag inamin niyang totoo nga iyon. “P-paano mo nalaman, babe?” hindi nga makapaniwala na tanong ng asawa ko nang makabawi siya sa pagkabigla. Lumayo ako nang kaunti sa kaniya. “May nakakita sa’yo at sinabi lang sa’kin,” malamig ang boses na sagot ko. Lalo lang akong nasasaktan dahil ramdam ko naman na totoo nga pero nakikita ko na nahihirapan si Dux na aminin iyon. “B-babe—” “Yes or no lang, Daxton,” may pinalidad sa boses ko nang tingnan ko siya nang masama. Alam niya na seryoso at galit na talaga ako kapag binanggit ko ang buong pangalan niya. “Totoo ba o hindi?” p