Harlie Matapos namin sa sinehan ay nagpakuha na ng mga pictures sila Crystal at Omer. They did different poses in front of Rage's camera. Si Crystal ang siyang gumagabay kay Omer dahil halatang hindi marunong si Omer magpakuha ng mga picture. He was obviously shy too. Si Rage naman ay kanina pa nakangiwi at nakabusangot habang kinukunan ng mga larawan ang dalawa. Para bang napipilitin lang siya at wala sa loob niya ang ginagawa niya. Napaka-sweet pa naman ng mga posisyon ng dalawa. Lahat ng mga kuha nila ay nakayakap sila sa isa't isa at halos maghalikan na rin. Napakaganda naman nilang tingnan at perfect sila para sa isa't isa. I just smiled while watching them. I'm happy for both of them. May inggit din dahil sana mayroon din akong lalaking katulad ni Omer. Pero wala na ako ngayong