Harlie "Please, Tita. Huwag na huwag mong ipapaalam kila Lolo at Mamita ang nangyayari sa akin ngayon. Matatanda na sila at ayokong bigyan pa sila ng alalahanin," pakiusap sa akin ni Crystal. Kasalukuyan pa rin kaming nasa byahe pauwi sa casa. "B-But what about you? Paano kung hindi ka nila tigilan?" "I assure you that she is safe in my power," ani Omer naman kasabay nang pagsilip niya sa rearview mirror. Napangiti si Crystal. Samantalang hindi maalis-alis ang kaba sa dibdib ko. "Lalo naman ako. Kailanman ay hindi ko pinabayaan 'yan si Crystal," sabat din ni Rage sa tabi ko. Eh, 'di sana all hindi pinababayaan. Napansin ko naman ang kakaibang pagtitig sa akin ni Crystal. "Don't worry, Tita. Maaasahan talaga itong dalawang lalaking ito. I'm safe as long as I'm with them," saad naman