Harlie "Hi!" Sa wakas ay inabutan ko rin si Cielo. "Napagod ako do'n, ah. Hindi mo ba ako narinig? Kanina pa kita tinatawag." Inayos ko ang pagkakasukbit ng bag ko sa balikat ko. Hiningal ako dahil sa pagtakbo ko at paghabol sa kanya. Hindi naman siya sumagot. Tuloy-tuloy lang siyang naglakad dito sa hallway. Palabas na kami ngayon ng gusali. Parang hindi man lang niya ako narinig at parang hindi niya napapansin na nandito ako sa tabi niya! "Cielo! Do you have a problem? You were quiet the whole class earlier. What happened?" Nagtungo ako sa harapan niya at naglakad ako ng paatras. Mukhang nabagalan naman siya sa akin dahil dalawang beses niya akong sinubukan lampasan ngunit dalawang beses ko rin siyang hinarangan. Napahinto naman siya at napatitig sa akin. Salubong ang kanyang mga ki