Harlie "Ano pa bang iniiyak-iyak mo dyan?" Naglabas ng isang panyo si Rage at iniabot sa akin. Kasalukuyan pa rin siyang nagmamaneho ng kotse niya patungo sa school ko. Ako naman ay patuloy din sa pag-iyak dito sa tabi niya. Kaagad kong inagaw mula sa kamay niya ang panyo at ipinunas sa mga luha ko sa pisngi at mga mata. Dito na rin ako suminga dahil kanina pa tumutulo ang sipon ko. "How gross," reklamo naman niya mula sa tabi ko. "That's your fault!" inis ko namang sagot sa kanya. Saglit niya akong nilingon."Ako pa ang may kasalanan? Anong kasalanan ko? Ipinagtanggol ko na nga kayo sa harap ng Doctor Kwak Kwak na 'yon at ng anak niyang mukhang hito." Napangiwi naman ako sa sinabi niya. Hayan na naman siya sa mga panlalait niya. "You said you didn't hold a grudge against the person