KIANDRE ZIAR SANDOVAL
__
"I think, alam ko na kung sinong kailangan mo," nakangising sambit ng babae sa harapan ko nang makapasok ako sa loob ng club.
Wala sa loob na napalunok naman ako at tumingin sa stage. Hindi ko ito nakitang nagsasayaw doon.
"Is... Is she here?"
Binigyan ako nito ng pilyang ngiti habang pinapaikot ang dulo ng buhok niya. "Nasa dressing room."
"M-May I see her?"
Nilahad nito ang palad sa akin. "Any amount will do."
Agad kong nilabas ang wallet ko at kumuha ng pera doon para ilagay sa ibabaw ng palad niya.
Lalo pang lumawak ang ngisi sa mga labi nito bago hawakan ang kamay ko.
"Follow me, handsome."
Hinayaan ko lang na hilahin ako nito hanggang sa dalhin niya ako papasok sa loob ng isang pinto.
Nakita ko agad ang babaeng hinahanap ko... nakaupo ito sa couch, crossed legs.
"Hola! There's a rich handsome looking for you."
Bumaling ito sa direksyon namin na walang kahit anong emosyon sa mga mata. Pakiramdam ko ay nanuyot ang lalamunan ko nang sa akin lang nito ibaling ang atensyon.
"I'll leave you two here. I will lock the door for the two of you," the woman said teasingly.
Sumara ang pinto at kinain lang kami ng nakabibinging katahimikan. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako. Nanlalamig na naman ang mga kamay ko.
Ilang sandali pa itong nakatingin sa akin bago siya magsalita.
"Take a seat."
Tiningnan ko ang couch na nasa tapat nito bago ako dahan-dahang lumapit doon. I again looked at her.
She had makeup on and almost wearing no clothes katulad noong huling beses na makita ko siya.
"I'm not letting anyone enter here. I just want to let you know."
Hindi ako komportable sa mga mata nitong nakatingin sa akin. Pakiramdam ko ay malulusaw ako.
"I just... wanna ask you..."
She remained looking at me seemed waiting for me to continue.
"Can I... c-can I buy your time?"
I hesitated to ask that kaya naman lalong kumabog ang didbib ko sa kaba nang hindi ako nakakuha ng sagot mula rito. Muli kaming sinakop ng katahimikan sa ilang sandali.
"s*x?" she asked.
"N-no..." agad sambit ko.
"What?"
"Dinner..." I gulped something down my throat. "I w-want to have a dinner with y-you."
Hindi ito sumagot sa ilang sandali at nanatili lang nakatingin sa mga mata ko.
"Allow me to get dressed."
Pakiramdam ko ay mabilis na nagtatalon ang puso ko sa tuwa sa naging sagot nito. She stood up at pinanuod ko lang siyang magpunta sa direksyon kung saan maraming nakasabit na damit.
Hindi na siya kumubli pa and did not even hesitate to take off her top kaya naman agad din akong mag-iwas ng tingin rito.
Tumayo na rin ako and turned my back. "I-I'll wait for you outside..."
"I'm done in few seconds."
I just waited when she said that. I was still feeling nervous habang kasabay ko siya sa paghakbang palabas ng club. The red dress she was wearing suited her well.
Pinagbuksan ko agad siya ng pintuan ng passenger seat at mabilis din akong umikot sa driver's seat ng sasakyan ko.
I simply heaved a deep sigh nang makapasok ako sa loob dahil humahalimuyak ang mabangong amoy nito sa loob.
Tahimik lang ito sa buong byahe so was I hanggang sa makarating kami sa restaurant.
I didn't really expect na sasama siya sa akin.
Nakapagpa-reserve na ako kaya naman dinala na kami agad ng staff sa table naming dalawa. It was a VIP room kaya naman kaming dalawa lang ang nandoon.
Nilapitan kami ng mga waiter para magsalin ng wine sa baso naming dalawa at ibigay ang menu.
"You can order now..."
Kinuha nito ang baso ng wine at marahan iyong inalog. "Order for me."
Tiningnan ko ang menu. "Do you like beef? Vegetable? Sweets..."
She didn't give me an answer kaya naman muli akong nag-angat ng tingin sa kanya. I saw her took a sip of her wine habang diretsong nakatingin sa mga mata ko.
Muli akong simpleng napalunok at inabot rin agad sa waiter ang menu.
"I-I'll order everything there..."
"I got your order, sir."
Hindi ko alam kung anong gagawin ko o anong sasabihin ko nang makaalis na ang waiter. Hindi ko maiwasang tingnan ang magandang mukha nito but then I couldn't also stare at her for too long. Hindi ko kayang salubungin ang mga mata nito.
Ilang sandali lang ay dumating na ang ilan sa mga order namin.
"Tell me if you like something else..." I told her.
She started to have her dinner and so did I. I just had to calm myself down pero hindi ko magawa. Nailaglag ko ang knife na nasa gilid ng plato ko. Nataranta ko iyong pinulot pero nang magawa ko ay nailaglag ko pa ang kutsara at tinidor. Mabilis ko ring pinulot agad ang mga iyon at lalo akong nakaramdam ng nerbyos. Nang maibalik sa mesa ay natabig ko naman ang baso ng tubig na agad nabasag sa sahig.
Pupulutin ko pa lang ang nabasag na baso pero nilapitan agad ako ng mga waiter.
"We can handle this ,sir. Please take a seat."
Sunod-sunod akong humugot ng malalim na hininga habang nakatingin sa mga ito na mabilis nilinis ang sahig.
"Is this your first date?"
Agad akong bumaling rito nang marinig ko ang tanong na iyon.
Marahan akong tumango habang nakahawak nang mahigpit sa slacks ko.I had never dated anyone.
"Am I making you feel nervous?"
I gulped. I didn't want to admit that in front of her.
"Can you send me home after this?"
"O-of course..."
Wala sa loob na ininom ko ang wine sa gilid ng pinggan ko habang hinihintay kong bigyan ako muli ng tubig.
I felt so embarrassed to what I did. I wanted to talk to her pero hindi ko alam kung saan ako magsisimula. I hated myself na natapos ang buong dinner na wala man lang akong naitanong o nalaman pang ibang bagay tungkol rito.
I was still trying to find myself habang nasa byahe papunta sa tinutuluyan nito.
Pumasok kami sa parking ng isang tower. I assumed that she was living in a condo unit.
"You can park there."
Pinwesto ko sasakyan ko sa parking slot na tinuro nito.
Naramdaman kong bumaling siya sa akin pagkatapos niyang tanggalin ang seatbelt niya.
"Do you want coffee?"
I really don't like coffee that much. Ilang sandali pang magkakonekta ang nga mata namin bago siya tuluyang bumaba ng sasakayan ko.
I regret that I didn't even say goodbye or good night. It took me a little while before I realized that she was asking me that because... she wanted to invite me in her unit.
Agad din akong bumaba ng sasakyan ko hoping na maabutan ko pa ito sa lobby.
Nagmadali akong nagtungo sa elevator nang hindi ko na ito nakita roon and immediately pushed the up button.
Dahil hindi pa nakakaalis sa ground floor ang elevator, bumukas din iyon agad. My heart was beating fast, but I was glad I saw her inside.
Pumasok ako sa loob at pumwesto ako sa tabi nito.
Hindi ko pa rin napigilan ang kabog sa dibdib ko and I had been asking myself why I was feeling that way.
Sinundan ko siya sa paglabas ng elevator at sa paglalakad sa hallway hanggang sa huminto kami sa harap ng isang pinto. Sandali akong nag-iwas ng tingin when she entered the passcode.
Automatic na sumindi ang ilaw sa buong unit niya nang makapasok kami roon. Sinimulan ko agad iikot bag tingin ko sa buong paligid.
It looked great. Malinis at maganda ang ambience. It was designed well mula sa ceiling hanggang sa sahig.
"I'll make your coffee," casual na sambit nito.
Tinungo ko naman ang couch niya at umupo roon habang tinitingnan pa rin ang paligid ko.
I was certain she was comfortable living there. Sapat na ang lawak ng unit para sa kanya.
Ilang sandali pa ay narinig ko na ang mga yabag nito. Binaba niya ang tasa ng kape sa ibabaw ng mesa bago siya umupo sa katapat na couch.
"Taste it."
Wala sa loob na kinuha ko iyon mula sa mesa. I was still feeling uncomfortable and nervous. Dadalhin ko pa lang iyon sa bibig ko pero tumapon na agad iyon sa damit ko.
"Damn..." I hissed in pain dahil pakiramdam ko ay napaso ako sa init no'n.
Naging marahas ang paghinga ko ang tried to dry it off with my hands kahit pa alam kong hindi naman iyon matutuyo nang ganoon na lang.
Naramdaman ko naman agad ang paglapit niya sa akin. Napahinto ako when she leaned closer to me and started to unbutton my sleeves.
Lalo ko pang naramdaman ang malakas na kabog sa dibdib ko lalo pa that she was too close at muling sinakop ng mabangong amoy nito ang sistema ko.
Nakalimutan ko agad ang sakit nang tumingin ito sa mga mata ko pagkatapos matanggal sa pagkakabutones ang sleeves ko.
Those eyes... they looked so powerful to me.
Tuluyan niyang hinubad ang suot kong sleeves na hindi tinatanggal ang mga mata sa akin.
"There's a robe behind the door, take it and take care next time..." she said bago tuluyang lumayo sa akin bitbit iyon.
I had the chance to breathe at noon ko lang muling naramdaman ang hapdi ng napaso kong dibdib.
Damn... what the hell was wrong with me?
I wanted to calm down and compose myself. Kilala ko ang sarili ko lalo na kapag kinakabahan ako. I tend to do stupid things.
I decided na umikot na muna sa unit niya. There were few things inside. Displays ang karamihan.
May ilang libro din siya sa shelves most of it were about constellation na bahagya kong ikinangiti. Binuklat ko ang mga iyon and saw some words there na may highlights. Palagay ko ay inaaral niya rin ang mga iyon.
Lalo pang nabuo ang ngiti sa mga labi ko because I guess we have something in common.
Nagtagal din akong basahin ang mga libro niya roon bago ko tingnan ang iba pang mga gamit sa shelves.
May mga painting at drawing doon. Most of it was her... her naked body.
Kahit nakatakip siya sa maselang bahagi, I still did not continue to look at those.
Nagtungo ako sa balcony at nilihis ko ang makapal na kurtina doon. I was surprised to see a huge telescope.
Pinagmasdan ko muna iyon bago ko hawakan. I have collections of it at home. Karamihan ay regalo nina mom and dad.
It looked good.
She had a wonderful view there. Kitang-kita ang magandang city lights, ang ilang bundok sa kalayuan lalong-lalo na ang maganda buwan at mga bituin.
I positioned it a little bit at akmang sisilip ako but I heard her voice.
"What is your name again?"
Agad akong napalingon sa kanya. She was standing behind me. Pakiramdam ko ay tumalon ang puso ko sa pagkagulat.
"K-Kiandre..."
"Sandoval? The rich Sandoval?"
Hindi ako nakasagot and I wasn't even able to confirm it. I sometimes don't like it that a lot of people know us.
"Why a stripper on your first date?" she asked.
"I don't... I don't see anything w-wrong with that."
"You think?"
"I still... see you as a w-woman."
"You don't need to say those things. Just tell me if you want sex."
Muli akong sunod-sunod na napalunok nang unti-unti niyang ibaba ang strap ng suot niyang dress hanggang sa tuluyan iyong nalaglag sa sahig.
My whole body started shaking again but then I didn't bother to look down her naked body. I chose to look at her naked eyes.
"Go ahead... and leave after," she said.
I couldn't believe she was giving me a chance to have her again.
I couldn't take it anymore. Hinubad ko ang suot kong robe at lumapit sa kanya.
Dinala ko iyon sa mga balikat niya to cover her naked body.
Marahan ko iyong inayos nang hindi tinatanggal ang tingin sa mga matang iyon. Hinayaan kong huminto ang nga palad ko sa magkabilang balikat niya.
"I just... want to... see you."
I don't have plans of having s*x with her again. I have no plans of taking advantage of her. I just really... wanted to see her.
"Why?"
Hindi ko rin alam kung bakit.
All I know... she was giving me so much feelings. She could make me feel so vulnerable. Hindi ko alam kung bakit... I had never felt that feeling before.
"B-because... you're different."
Hindi ko narinig pa ang tinig niya, but looking into her eyes pakiramdam ko matagal nang maraming bagay ang nagtatago sa likod ng mga iyon na hindi niya nagawang sabihin.
I wanted to know... the story behind it.
"Your clothes is in the living room. Get it and leave now."