Carmella "I have no where to go" malungkot na sabi nya kay Shawn habang palabas ng ospital. "What?" tanong nito. Hindi pa nya nasasabi kay Shawn kung anong ginagawa nya sa San Sebastian at kung bakit bitbit nya ang mga gamit. "Hindi na ko pwedeng bumalik ng San Miguel" sagot nya. "Pero bakit?" nagtatakang tanong ni Shawn, habang inilalagay ang mga gamit sa likod ng kotse. "Long story Shawn" malungkot na sagot nya at pinasakay na sya ni Shawn sa passenger seat. Paano ba nya sasabihin kay Shawn ang lahat? ang pag alis nya ng San Miguel, ang katotohanang wala syang matitirhan, isama pa ang tungkol sa Mama nito at sa Papa ni Aiden. Ang daming gumugulo sa isip nya, lalo na ngayong nalaman nyang buntis sya, anong gagawin nya ngayon? "I'm willing to listen" sabi ni Shawn, habang tinatahak