Carmella Pagmulat nya ng mga mata nasa puting silid sya, kinapa ang ulo nyang nananakit na tila ba umiikot ang paligid. Ginala nya ang mga mata sa katamtamang laki ng silid. Kumunot ang noo nya at pilit inaalala ang mga nangyari kanina. Sa pagkakatanda nya bumiyahe sya papuntang San Sebastian at kung hindi sya nagkakamali nawalan sya ng malay sa kalsada, at sa huling alaala nya, may nakahawak sa kanya bago sya tuluyang nawalan ng malay. "Asaan ako?" Tanong nya sa sarili at sa itsura ng silid at mga kagamitan roon ay nakakasigurado syang nasa ospital sya, kung sinong nagdala sa kanya roon ay hindi na nya alam at kung ano ang nangyari sa kanya at bakit nasa ospital sya? Pinilit nyang bumangon at naupo sa kama salo ang nananakit na ulo. Ngayon palang nya naramdaman ang ganoong katinding p