Carmella Nagising sya sa mga yugyog sa balikat. pagmulat ng mga mata ang Nanay nya ang bumungad sa kanya. "Gumising kana dyan Carmella" malungkot na sabi nito at tumayo lumapit sa cabinet at binuksan yon. "Ayusin mo na mga gamit mo, aalis ka ng San Miguel" sabi ng ina. nagulat sya at napabalikwas ng bangon. "Ano po?!" "Carmella malaking gulo kung mananatili ka rito sa San Miguel" sagot ng ina habang inilalabas ang mga gamit nya sa cabinet at basta nalang sinusuksok sa bag. Kumunot ang noo nya sa nakikitang ginagawa ng ina sa mga gamit nya. "Pero Nay? bakit oh?" Tanong nya, kahit may kutob na sya kung bakit sya pinaalis ng San Miguel. "Anak, makinig ka. Mahal kita, mahal ka namin ng mga kapatid mo, pero hindi na namin kakayanin kung aalis nanaman kame dito at hahanap ng bagong matiti