DALA na ni Alexa ang maleta niya sa Herera village. Alas-siyete ng umaga siya umalis ng mansiyon pero nagpaalam muna siya kay Lola Amara. Pinabaunan pa siya ng matanda ng pinaluto nitong beefsteak. Bigyan daw niya niyon si Gaizer. Tumambay siya sa private house na pinapagamit sa kanila ni Mr. Herera. Wala pa roon si Gaizer. Malaki na ang improvement ng construction. Nakialam siya sa kusina at pinainit sa microwave ang dala niyang ulam. May naisaing nang kanin ang katiwala. Inihanda na niya ang tanghalian sa hapag kainan. Mamaya ay narinig na niya ang boses ni Gaizer na may kausap na lalaki sa labas. Sinilip niya ito mula sa bintana. Kausap nito ang foreman. Nang mapansin niyang papasok na ito ay pumuwesto na siya sa harap ng hapag. Nasorpresa ito nang makita siya. “Oh, you are finally