MAG-UUMAGA nang bumalik sa mansiyon si Alexa. Ayaw umuwi ni Gaizer kaya iniwan niya ito sa cottage habang tulog pa. Tahimik na ang kabahayan. Mukhang maagang natapos ang party dahil maraming pagkaing natira. Nakaramdam siya ng gutom kaya naghalungkat siya sa kusina pero fried chicken lang ang pinapak niya at isang slice ng loaf bread. Bago magising ang mga aplipores sa mansiyon ay pumasok na siya sa kanyang kuwarto at natulog. Nang muli siyang magising ay pasado alas-dose na ng tanghali. Masakit ang buong katawan niya. Magkasunod na katok sa pinto ang narinig niya. Pinilit niyang bumangon at nagtungo sa pintuan. Pagbukas niya ay tumambad sa kanya si Gaizer na nakabihis ng bughaw na polo-shirt at maong na pantalon. Mukhang bagong ligo at nanunuot sa ilong niya ang matapang na pabangong g