"BABE are you hungry?" Sambit ni Renz kay Hannah na malayo ang tingin habang nakaupo sa bench ng bahay bakasyunan nila. Ipinakiusap niya sa ama na dito muna sila ni Hannah habang hindi pa naayos ang mga papeles nito sa pag-alis ng bansa.Gusto muna niyang ilayo ang dalaga hangga't hindi pa siya siguradong nahuli ang mga Del Valle sa masamang balak nito kay Hannah. "Hindi. Busog pa ako... " Tipid na sagot nito na may tipid ding ngiti sa kanya. Tatlong buwan na makalipas ng magising si Hannah at wala pa rin itong maalala. Hindi na yata maia-alis ang pagiging tahimik nito kahit wala itong maalala. Siya lang halos ang kinakausap nito bukod kay Angela na therapist nito, because she is still afraid of other people. According to Angela, psychologically it's normal reaction lang daw dahil sh