"BABE what are you doing? Let's sleep. Bukas na iyan. " Inaantok na sabi ni Renz sa asawa na nakaharap sa laptop nito. Tumingin siya sa digital clock and it's 2 am already. Mukhang hindi siya narinig nito, kaya't pu-pungas pungas na nilapitan niya ito. "Nanunuod ka lang pala, matulog na tayo Babe." Paglalambing niya rito at niyakap niya mula sa likuran ang asawa, pero mukhang hook na hook ito sa pinapanuod dahil hindi man lang siya kinausap nito. "Babe..." Ulit niya at inalis ang headset na suot nito. "Later Babe. One last episode. Mauna ka na matulog doon." She said and kissed him on cheeks. "Ayoko gusto ko tabi na tayo." Pinatayo niya ito saka ito pinaupo sa kandunan niya. "Ano ba iyang pinapanuod mo?" He asked habang nakayakap sa asawa. "Hwarang." Simpleng sagot nito habang tut