HINDI umalis si Renz sa tabi ng asawa at pinapanuod lamang niya ang mahimbing na pagtulog nito. He is afraid. Buhat kaninang makaalala ito ay pilit niyang tinatago ang takot na unti unting bumabalot sa kanya. Hindi pa niya kayang kamuhian siya nito, at lalong hindi niya kakayanin kung mahiwalay siya sa asawa. Hinigpitan niya ang pagkakayakap niya rito at hindi sinasadyang nagising ito. "I'm sorry Babe, balik ka na sa tulog mo... " Tumango lang ito at yumapos din ng yakap sa kanya. He will live just by being with her. Mas lalong napamahal sa kanya ang asawa. Dahil sa nakalipas na dalawang taon ay nandito lamang ang atensyon niya at dito lamang umikot ang mundo niya. KINABUKASAN ay muli silang dumalaw sa ama niya at tahimik na nakamasid lamang si Hannah sa kanya. "How are you?" Tanon