Chapter 6

1020 Words
"We're going to eat dinner. Get up," sabi ni Zander. "Inaantok pa ako eh," yamot kong sabi. "Tsk! They're waiting for us in the dining table," anito habang hinihila ako patayo. Tumayo na ako at pinusod ang buhok ko bago sumunod pababa kay Zander. "Hija, kain na," yaya ni Tita Francine. Ngumiti lang ako at umupo na sa upuan at nag-sandok ng kanin at ulam. Habang kumakain kami ay hindi nawala ang tawanan at kwentuhan. "Hija, ilang buwan na ba iyang tiyan mo?" tanong ni Tita Francine. "2 months lang Tita," sagot ko. "2 months? Bakit parang mas malaki sa 2 months ang tiyan mo?" takang tanong nito. "Yon nga po eh. Hindi ko po alam," tanging nasagot ko. Tumango lang ito kaya nag-patuloy na ako sa pagkain. Pagkatapos naming kumain ay pumunta kami sa salas, manunuod daw kami ng horror movie. Pinasara nila lahat ng bintana at pinto sa sala kaya madilim. Ang nagbibigay liwanag lang ay ang flatscreen na T.V. "Mommy! Ito oh, coming soon maganda yan." ani Suzy at binigay kay Tita Francine ang CD ng coming soon. Isinalang naman na nila iyon kaya umayos ako ng upo sa couch na kinauupuan ko. Mag-isa lang ako dito sa mahabang couch at baka mamaya may katabi na ako. Kinuha ko ang throw pillow at hinagkan iyon. Nag-simula na ang palabas hanggang nasa kalagitnaan na kami ng panunuod ng biglang bumulaga ang matanda. "AHHHHHHHH!" Nagsitilian kaming mga babae dahil nakakatakot yung mukha nung matanda at nakaka-gulat. Sumiksik ako sa gilid ng couch at niyakap ng mahigpit ang throw pillow na hawak ko, baka mamaya may katabi na ako eh. "Ayoko na! Nakakatakot!" ani Suzy. Sumimangot ako at sinubsob ang mukha sa throw pillow.  Siya kaya ang pumili nun tapos ayaw niya na! Ang galing! Sumilip ako ng kaunti at saktong pag-silip ko ay lumabas na naman yung matanda! "Ahhh! Putangina, Mama!" sigaw ni Edward at binato sa flatscreen na T.V ang hawak niyang throw pillow. Imibis na matakot ay natawa ako dahil kay Edward. Bakla ampochi! Hanggang matapos ang palabas ay tawa parin ako ng tawa, naaalala ko kasi yung reaksyon ni Edward. "My my! Are you a gay?" tanong ni Eugene kay Edward. Sumimangot naman si Edward at ngumuso. "H-hindi ha. Nagulat lang eh," sabi ni Edward. Humagalpak ako ng tawa habang sapo-sapo ko ang tiyan ko. Damn it! HAHAHAHA! "Buntis naman eh. Nagulat lang naman ako eh," naka-ngusong sabi ni Edward. Huminga ako ng malalim at pinunasan ang mata ko dahil lumuha na ako sa katatawa. Kakawa naman kasi si Edward. "Sorry! It's just that your reaction is priceless HAHAHA!" sabi ko sabay tawa. Natatawa talaga ako kapag nagrereplay sa utak ko yun, mygad! Ngmuso lang ito at humalukipkip, ang kyut! Ang sarap pisilin ng pisngi niya! Lumapit ako sa kaniya at kinurot ang pisngi niya, ang cute! "A-aray! Bun- ouch!" daing nito. Binitawan ko ang pisngi niya at nginitian siya ng pagkatamis- tamis. "Stop it Sunny. Let's go to our room, you need to sleep." ani Zander. Hinila na niya ako at umakyat kami sa kuwarto. Pagkabukas niya ng pinto ay agad akong humiga sa kama at kinuha ko yung damit niya saka inamoy-amoy iyon. Bango! Unti-unting namigat ang talukap ng mata ko. "Sleep tight, Sweetheart." ani Zander at hinalikan ako sa noo. And everything went black.                                              NAGISING ako dahil nagugutom ako. Hinahanap ng tiyan ko ang marshmallows. Tinignan ko ang wall clock, it's already 2 in the morning. May bukas pa kayang grocery? O kaya sari-sari store?  Malamang! May 24 hours naman atang grocery dito! Nilingon ko si Zander at nakita ko itong nakanganga ng kaunti habang natutulog. Ang kyut! Nadako ang paningin ko sa lips niya, parang naging marshmallow siya at ang sarap kagatin! Waahhh! Nababaliw na ako. Inilibot ko ang paningin ko at puro marshmallow talaga ang nakikita ko. Pumikit ako ng mariin at huminga ng malalim. Niuyogyog ko si Zander para magising. "Zander, wake up. Gusto ko ng marshmallow," naka-nguso kong sabi. Umungol lamang ito at nag-takip ng unan sa mukha. Tinanggal ko ang unan na tinabon niya sa kanyang mukha at niyakap yun. "Zaaaander!" sigaw ko. Mapupungay ang kanyang mga mata ng tumingin siya sa akin. "What?" tanong nito. "Gusto ko ng marshmallows," sabi ko at ngumuso. Tumayo naman ito at sinuot ang gray t-shirt niya bago kinuha ang kaniyang wallet. "Wait for me here," anito at lumabas. Habang naghihintay sa kaniya ay iginala ko ang paningin sa loob ng kwarto niya. Kulay gray at white ang kulay ng mga pader, napaka-manly tignan.Nahagip ng mata ko ang isang picture frame, nanduon si Zander. Naka-ngiti habang may naka-yakap sa kaniyang babae, naka-akbay siya sa babae, i don't know but my heart sank a bit. Napaka-ganda ng babae, para siyang Goddess na bumaba ng lupa. Eh ako? Ang pangit ko, ang ganda niya. Teka? Bakit ko ba kinukumpara sarili ko sa kaniya? Psh. Umayos ako ng upo at sinandal ko ang ulo ko sa head board ng kama. Madaming tanong ang rumaragasa sa isip ko katulad ng.. Sino yung babaeng yun? Bakit parang ang sweet nila? At higit sa lahat, bakit ako nasasaktan? I shouldn't feel this way, kasi nakatira lang ako dito dahil sa dala ko ang baby ni Zander. Paano kung pagka-anak ko palayasin na nila ako dito? Hindi ko man lang ba masisilayan kung anong unang word ang ibibigkas ng baby ko? Di ko ba siya matuturuan at maaalalayan kung pano mag-lakad? Napakasakit isipin nun. "Hey! Why're you crying?" tanong ni Zander. Hindi ko man lang naramdaman ang pag-pasok niya, at mas lalong hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Pinunasan ko ang aking luha at ngumiti sa kaniya. "Na- napuwing lang ako hehe," pagsisinungaling ko, "Nasan na ang marshmallow ko?" excited na tanong ko. Inabot niya sakin ang supot ng marsh mallow kaya kinuha ko agad iyon at binuksan. Nag-hubad siya ng damit at humiga na sa kama tsaka pumikit. "Thank you," sabi ko. Umungol lamang ito kaya nagsimula na akong kumain ng mallows. Lahat ng naisip ko kanina ay parang bulang nag-laho dahil nakakain ako ng mallows. Kain lang ako ng kain hanggang sa maka-tulog na ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD