2 weeks na ang lumipas simula ng mag-stay ako dito sa mansyon nila Zander. Nabobored nga ako dahil wala akong magawa.
Andito ako ngayon sa kwarto. Nakahiga habang inaamoy-amoy ang t-shirt na kakahubad lang ni Zander kaninang umaga. Wala siya dito kasi pumasok siya sa Opisina.
Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa noon si Eugene na naka-suot ng floral dress.
"Buntis, bagay ba?" tanong ni Eugene.
Umikot ito sa harap ko para ma-eksamin ko ang kaniyang dress na suot.
"Oo. Ang ganda. Nag-shopping na naman kayo ni Suzy?" tanong ko.
Ngumiti naman ito at tumango.
"Sige Buntis! Alis na ako, bye!" paalam nito at sinara ang pinto.
Umayos ako ng higa at nag-isip kung ano bang gagawin ko, nabobored na ako.
Kakatapos ko lang manuod ng T.V. Tsaka busog na ako kakakain ng marshmallows. Hindi naman ako inaantok. Tsk!
Bumuntong hininga ako at bigla kong naisip ang mangga. Ewan ko ba pero bigla akong nag-laway. Busog pa naman ako pero bigla akong nagutom.
Tumayo ako at kinuha ang wallet ko bago lumabas sa kwarto. Suot-suot ko ang damit ni Zander, ang bango kasi!
Nang masara ko na ang pinto ay bumaba na ako patungo sa sala. Anduon si Suzy, naka-upo.
"Suzy, may bakanteng oras ba si Manang Flor?" tanong ko.
"Wala, Ate. Bakit?" tanong ni Eugene.
Umupo ako sa tabi niya at hinaplos ang tiyan ko na medyo malaki na.
"Magpapabili sana ako ng mangga, naglalaway ako Suzy." sabi ko.
Tumango naman ito at tumayo kaya nagtataka ko siyang tinignan.
"Ako na lang ang bibili Ate. Bawal ka lumabas dahil mapapagalitan kami ni Kuya Zander," anito.
Tumango ako tsaka binuksan ang wallet at kumuha ng pera doon. Inabot ko iyon sa kaniya.
"Yan na lang ipambili mo. Salamat Suzy, hihintayin kita dito." sabi ko.
Humalik muna ito sa pisngi ko bago umalis.
Sa bawat pagpatak ng minuto pakiramdam ko sobrang tagal nun. Tsk!
Tinignan ko ang wall clock at ganun na lang ang panlalaki ng mata ko ng makitang 6 pm na pala. Ni hindi ko man lang namalayan ang oras.
Ilang minuto ang naka-lipas at dumating na si Suzy na may dalang isang supot ng mangga. Kinuha ko agad iyon at pinasalamatan si Suzy.
"Welcome Ate. Basta para kay baby," nakangiti nitong sabi.
Nginitian ko lang din siya at pumunta sa kusina para mag-balat ng mangga.
Kumuha ako ng kutsilyo. Inilapag ko muna iyon sa mesa at kumuha ng 2 pirasong mangga tsaka iyon hinugasan sa sink. Pagkatapos ay pumunta ako sa lamesa at kinuha ulit ang kutsilyo.
Dahil sa ka-excited-an ay dumulas sa balat ng mangga ang kutsilyo at dumiretso sa kaliwang hintuturo ko ang talas nun. Agad iyong nag-dugo at humapdi.
Ilalapit ko sana sa bibig ko ang aking daliri ng may humablot sa kamay ko. It's Zander, bakit ba ang hilig niyang mang-hablot?!
"What the hell Sunny?!" galit nitong saad at hinugasan sa sink ang kamay ko.
Pagkatapos ay kinuha niya ang first aid kit at ginamot ang hiwa sa aking hintuturo. Magka-salubong ang kilay ni Zander at seryosong-seryoso sa ginagawa.
"Can you please take care at yourself?!" galit nitong sabi.
Ngumuso lamang ako at di na sumagot.
Pagkatapos niyang gamutin ang sugat ko ay tumingin ito sa akin at inirapan ako.
"Bakla," bulong ko.
Nanlaki ang mata ko ng bigla ako nitong siilin ng halik.
Nang humiwalay ang labi niya sa labi ko ay nanatili akong parang tuod, "That's for calling me a gay. Call me a gay, one kiss." bulong nito sa tainga ko at nag-simula ng maglakad palabas sa kusina.
Habang ako ay nakatulala sa hangin habang hawak ang aking labi.
W H A T
T H E
H E L L
D-did he just kiss me?