He stop courting her

512 Words
Manliligaw ko si Vince, Sa loob ng dalawang taon na panunuyo niya sa akin bigla nalang siyang huminto sa panliligaw sa akin. Lingid sa kaalaman ko narinig niya kaming nag-uusap ng mga classmates ko tungkol sakanya. I told my friends that i don't like him because he's not rich. Sinabi ko sakanila na pina-aasa ko lang si Vince sa wala. He heard all the insults I heaped on him and to his family. But i didn't mean every words na mga nasabi ko. Nasabi ko lang naman talaga iyon para hindi ako isumbong ng pinsan ko sa daddy ko. Pinagbabawalan kasi ako ng pinsan kong makipagboyfriend kay Vince. Gusto ko lang naman mapaniwala silang lahat na wala akong gusto kay Vince. But i really really like him a lot! Gustong gusto ko siya dahil siya na ang pinakamabait at gentleman na lalaking nakilala ko. I'm Arlanie Buenavista. Nag-iisang anak ng mayor sa aming lugar. I'm eighteen years old. Second year college na ako sa kursong business management. While, Vince Lavega is my childhood friend. Mula bata pa lang kami ay magkaibigan na kami. Sapagkat nagtatrabaho sa aming mansyon ang kanyang mga magulang bilang katulong at driver. Naging close kami ni Vince hangang sa niligawan niya ako. Gustong gusto ko na siyang sagutin pero magulo pa ang sitwasyon. Ayokong masira ang pangalan ng daddy ko. Kaya naman hangang ngayon hindi ko parin sinasagot si Vince. Handa naman daw siyang maghintay kahit pumuti pa daw ang buhok niya. Kaya nakampante ako. Pero nagkamali ako, one day kinausap niya ako at sinabi niya sa akin na ititigil na niya ang panliligaw sa akin! Nabigla ako ng husto! Pero siyempre hindi ko pinahalata sakanyang affected ako dahil sa pride ko. Hangang sa nabalitaan ko may bago na siyang nililigawan sa campus namin. Sobrang nasasaktan ako. I wanna tell me i really love him. Pero paano? Ang hirap! May pag-asa pa kayang maging kami ni Vince? Napaka-komplikado ng sitwasyon. Nalungkot ako ng husto at nagseselos sa tuwing nakakasalubong ko si Vince at ang bagong babaeng nililigawan niya. I tried to get his attention again, nagpa-cute ako at nagpapansin sakanya pero parang balewala na ako sakanya. Wala akong kamalay-malay na mas nasaktan ko pala siya sa mga narinig niyang sinabi ko tungkol sakanya. Hangang sa nalaman kong nag resign na ang magulang ni Vince sa pamamasukan sa aming pamilya, Lumipat na rin siya ng paaralan at hindi ko na siya muling nakita. Until one day, after five years muling nag-krus ang landas naming dalawa. But this time ako naman ang nasa ibaba. Natalo sa eleksyon ang daddy ko noon, nadepress si dad at maagang umakyat sa langit. Nalungkot ng husto ang mommy ko kaya sinundan niya agad si dad sa langit. Lahat ng naipundar ng magulang ko napunta lamang sa banko. Dahil malaki na pala ang mga utang namin doon. Kaya naman kung ano anong raket ang pinasukan ko para lamang mabuhay ko ang sarili ko. Pero sa di inaasahang pagkakataon, muli kong nakita si Vince. Siya na ngayon ang CEO ng kumpanyang pinagrarasyunan ko ng empanada! Nakakaloka!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD