"Lanieee!"
Napangiti agad si Lanie nang marinig niya ang boses ng kanyang bestfriend na para bang nakalunok ng isang buong microphone. Ang lakas kasi ng boses nito kaya't napalingon tuloy ang lahat ng tao sa building na kinaroroonan ko
Tumatakbo si Jela papalapit sa kinatatayuan niya. Kasalukuyan pa naman siyang nangongolekta ng bayad ng mga umorder sakanya ng empanada
Isa kasi sa mga raket niya ang pagbebenta ng kanyang espesyal na empanada. Natutunan niya pa sa dating katulong nila ang recipe ng empanada na iyon. Hindi niya akalain na ang recipe na iyon ang isa sa mga magsasalba sakanya para maka-survive sa pang-araw araw niyang pangangailangan.
Nagbebenta siya ng espesyal empanada sa umaga sa ibat-ibang kumpanya sa loob ng Makati City or minsan sa Ortigas nagrarasyon rin siya roon. Malaki ang kita niya sa pagbebenta ng empanada kaya mas pinili niya iyon kaysa sa dati niyang raket bilang isang cashier sa isang mini grocery store na maliit lamang ang pasahod.
Tuwing gabi naman ay isa siya waitress sa isang night karaoke bar. Halos wala na nga siyang matinong tulog simula ng mag double job siya. Nanghihinayang kasi siya sa malaking tip na nakukuha niya sa karaoke bar tuwing gabi kapag may galanteng customer roon.
Waitress lang talaga siya sa night bar. Hindi rin kasi papasa ang itsura niya. Well, she used to be the prettiest girl--errr
Huminga siya ng malalim. Ayaw na niyang maalala ang dating buhay niya.
"Kung makasigaw ka naman Jela parang may sunog ah?" Biro niya agad kay Jela nang makalapit ito sakanya. Sinuklian muna niya ng bente pesos ang isang customer niya.
"Bessy may good news kasi ako sayo!" Halata sa boses nito ang pagkasabik. Kaya naman automatikong napangiti agad si Arlanie.
"Pagkakaperahan ba yang good news na yan?"
Sunod sunod itong tumango. Hawak pa nito ang sariling dibdib dahil hinihingal parin sa ginawa nitong pagtakbo with matching pagtili pa.
"For sure yayaman kana ulit!"
Napalawak agad ang ngiti ni Arlanie. Basta't tungkol talaga sa kaperahan para bang pumapalakpak ang mga tenga niya.
"Talaga? Ano ba yang good news na yan?"
"Lanie yung sukli ko?" Kinalabit muna siya ng katabi niyang babae. Naiinip na kasi ito sa paghihintay ng sukli nito
"Ay sorry. Eto na." Nagmadali naman siyang suklian ito ng bente pesos. Otchenta pesos kasi ang benta niya sa bawat isang empanada. Palagi siyang binabayaran ng isang daan ng mga ito kaya't palagi rin siyang may panukling bente pesos sa kanyang mini bag.
Ngumiti lang yung babae bago ito umalis.
"Ano nga ulit yung good news?" Balik tanong niya kay Jela.
"Pahingi muna ng empanada?"
"Kutusan kaya kita?" Nakangiting sagot niya pero kumuha na rin siya ng isang empanada para ibigay rito.
Malaki ang utang na loob niya kay Jela. Kaya nga siya pinayagan ng boss nitong makapagbenta ng empanada sa building na iyon tuwing umaga dahil sa paki-usap ni Jela. Marami tuloy siyang naging suki roon. Mag-dadalawang buwan na siyang nag rarasyon ng empanada doon
"Dumating na yung boss namin galing France!" Nakangiting sambit ni Jela. Tila kinikilig pa.
Nawala tuloy ang excitement ni Arlanie. Akala pa naman niya pagkakaperahan ang good news na ibabalita nito. Iyon pala'y tungkol lamang sa boss nito.
"So? Eh ano naman ron ang good news?"
Kumagat muna si Jela sa empanada na hawak nito.
"Grabe ang sarap talaga nito!"
"Ang tagal mo naman sabihin yang good news na yan. Nauna mo pa ubusin yang empanada bago--"
"Eto na nga! Pinapatawag ka ng boss ko sa office niya ngayon! As in now na!" Excited nitong sambit habang nasa bibig pa nito ang empanadang nginunguya nito. Nagtatalsikan tuloy ang ibang butil ng empanada.
Napangiwi tuloy siya.
"Ako? Bakit raw?" Kunot nuong tanong niya dahil hindi parin niya makita ang good news sa sinasabi ng kanyang matalik na kaibigan
Naging kaibigan niya si Jela nang minsan makasakay niya ito sa jeep. Three months ago. Naging bestfriend niya agad ito. Nag-click kasi agad ang ugali nila. Tinulungan niya ito sa isang holdaper nang gabing iyon kaya labis ang pasasalamat nito sakanya. Simula noon naging mag bestfriend na sila.
Marami na siyang naging kaibigan noon, pero si Jela palang yung taong nagparamdam sakanya kung paano maging tunay na kaibigan.
Pakiramdam niya nagkaroon siya ng kapatid simula ng makilala niya ito.
"Kasi diba kahapon birthday ko? Tapos naalala mo binigyan ko yung mga office mates ko nitong empanada mo?"
"Oo?" Clueless paring tanong ni Arlanie
Lumunok muna ito bago tumili ng mahina.
"Gosh hindi ko akalain na macucurios ang boss namin sa empanada mo! Naabutan niya kasi kaming kumakain sa pantry kahapon eh. Tapos tinikman niya. Then sabi niya sakin papuntahin daw kita sa office niya! Pakiramdam ko nasarapan ang boss ko sa empanada mo bessy! Baka alokin ka ng business! Kahapon ka pa pinapapunta ng boss ko kaso hindi naman kita macontact sa number mo eh!"
Nanlaki unti unti ang mata ni Arlanie. Pakiramdam niya umawit ang mga anghel sa kalangitan dahil sa magandang balita ni Jela
"Bakit ngayon mo lang sinabi! Naku tara na puntahan na agad natin yang boss mo nang makapag-usap na kami sa aming business deal" Malawak ang pagkakangiti niya at halos mabanat ang kanyang pisngi.
Parang gusto niya pa ngang tumili sa kasiyahan eh. Kung sakaling nasarapan kasi ang boss ni Jela sa kanyang espesyal empanada, may chance siguro siyang maging isang chef? Isang sikat na fast food corporation kasi ang kumpanya na pinagtatrabahuhan ni Jela.
"Saglit lang. Nagmamadali?" Hinawakan ni Jela ang pulsuhan ni Lanie. Naglakad na kasi agad siya patungo sa loob ng building upang puntahan na ang boss nito
"Eh baka magbago pa ang isip ng boss mo. Kahapon pa pala ako pinapatawag sayo. Lintik naman kasi tong cellphone ko eh! Palaging lowbat"
"Sandali lang. Hindi ka pwedeng humarap sa boss ko na ganyan itsura mo?"
Napataas ang kilay ni Lanie ng tignan siya mula sa kanyang sapatos na luma hangang sa kanyang kupas na pantalon, at medyo pawisang t-shirt. Paakyat sa kanyang medyo magulong buhok na naka-tali.
"Anong problema sa itsura ko?"
"Ceo ang kakausapin mo. My gosh haharap ka ng ganyan--"
"Bruha ayos lang tong itsura ko. Hindi naman ako mag aapply ng trabaho eh, magtitinda ako ng empanada sa boss mo. Kaya okay na to. Tara na!"
Nabibigatan na kasi si Lanie sa isang malaking basket ng empanada na bitbit niya.
Tila hindi parin sang-ayon si Jela pero tinulungan nalang siya nitong magbuhat ng basket.
"Sure ka ba talagang ganyan ang itsura mong haharap kay boss?" Pangungulit pang muli ni Jela kay Lanie nang makasakay na silang dalawa sa loob ng elevator papunta sa top floor.
Bahagya siyang tawa. Mukhang stress na stress kasi si Jela sa itsura niya.
"Okay lang to. Alam naman ng boss mong tindera ako eh"
"Bahala ka diyan. Alam mo namang sobrang hot at sobrang gwapo ni boss V diba?"
"So?" Natatawang tanong ni Lanie. Wala naman kasi siyang interest sa mga lalake. Kahit pa mga gwapo. Wala siyang interest buhayin ang puso niya dahil matagal na iyong namatay. Char.
Matagal na panahon na siyang hindi naniniwala sa pag-ibig. Simula ng mabroken hearted siya sa isang lalakeng minahal niya noon.
Ipinilig niya ang kanyang ulo ng maalala niyang muli ang first love niya. Ayaw na niyang maalala ang lalakeng iyon.
"Magsuklay ka nalang? Ako yung nahihiya sa itsura mo oh? Para kang hindi naligo--"
"Hindi naman talaga ako naligo" Nakangising sagot niya sa kanyang kaibigan. Lalo pa tuloy itong nastress sakanya.
"Yuck ka bessy!"
Tuluyan na siyang natawa.
"Eh nagtitipid ako sa sabon. Bukas nako maliligo para alternate. Tipid na sa tubig nakatipid pa sa sabon"
Nais niyang mapahalakhak nang umasim lalo ang mukha ni Jela. Binibiro niya lang naman ito eh. Naligo siya kaninang umaga no! Pero siyempre pagod na pagod na siyang mag-alok ng mga empanada, pangalawang basket na niya ito eh. Na-sold out agad ang unang basket ng empanada kanina.
"Ako ang nahihiya para sayo. Baka magsisi ka bigla kapag nakita mo si boss V. Basta binalaan kita ha?"
Binalewala nalang ni Lanie ang sinasabi ni Jela dahil wala naman talaga siyang interest magpa-impress sa boss nito. Eh ano naman kung makita nitong pangit siya? Okay naman ang itsura niya ngayon eh. Hindi na niya kailangan pang magpaganda no
Pagliko nilang dalawa sa mahabang hallway, namamangha si Lanie sa kagandahan ng floor na iyon.
"Hanep ang ganda dito parang museum ah" Napapantasrtikohang papuri niya sa bawat malalaking painting na nakasabit sa pader.
"Naka-red carpet pa ang sahig! Sosyal naman pala nitong company niyo"
"Hinaan mo boses mo. Baka marinig tayo ni boss" Sita sakanya ni Jela
Kaya naman tahimik nalang niyang ginagala ang kanyang mga mata sa paligid
Nang makarating sila sa dulo, mayroon isang malaking pintuan. Namangha lalo si Lanie sa karangyaan ng opisina na pinasukan nila.
May kinausap si Jela na isang babaeng napakaganda. Sa tingin ni Lanie ito ang secretary ng boss ni Jela.
Pasimple niya itong tinitigan. Napakaganda. Hindi niya tuloy maiwasan isipin, kung nakapagtapos kaya siya ng pag-aaral niya ganito rin kaya siya kaganda?
Maganda parin kaya siya hangang ngayon kung hindi lang nagbago ang ikot ng mundo niya?
Ipinilig nalang niya ang kanyang ulo nang makaramdam ng kalungkutan. Wala na siyang magagawa dahil nangyari na ang lahat ng mga nangyari
"Psst Lanie tara na. Hinihintay kana ni boss sa loob roon" Tinuro ni Jela ang pinto sa bandang kaliwa.
Tumango lamang siya.
Lumapit ang babaeng secretary sa pintuan at ito na mismo ang nag-bukas ng pinto para sakanilang dalawa ni Jela
"Boss she's here" Anunsyo ng secretary sa boss nila.
Dahan dahan naman silang pumasok ni Jela sa loob ng private office.
Nakatalikod ang boss nila Jela habang nakaharap ito sa glass window.
Grabe ang ganda ng view mula sa salaming bintana! Parang naging laruan lang ang mga kotse sa ibaba, marami rin mga building na mas maliit kaysa sa building na kinaroroonan nila
Buong likurang bahagi ng opisina ng boss nila Jela ay gawa sa salamin. Kaya kitang kita ang view ng buong makati city. Ang ganda!
"Boss good afternoon po nandito na po si Lanie yung kaibigan ko na gumagawa po ng empanada" Panimulang pag bati ni Jela sa nakatalikod nitong boss
Nakapamulsa ito habang nakatalikod sa kanila pero masasabi agad ni Arlanie na magandang lalake nga siguro talaga ang boss ni Jela sa pamamagitan ng tindig nito. Matangkad at malapad ang balikat nito at halatang maganda ang pangangatawan kahit pa naka-formal attire ito.
"Good afternoon po" Bati rin ni Lanie ng sikuhin siya ni Jela upang siya naman ang gumalang sa boss nito
Napansin niyang humugot muna ng malalim na paghinga yung boss ni Jela bago ito dahan dahan humarap sakanila
Nagpaskil agad siya ng matamis na ngiti ngunit unti unti rin nawala ang ngiti niya nang tuluyan nang humarap sakanila ang boss ni Jela
Pakiramdam ni Arlanie huminto ang mundo niya nang muli niyang makita ang lalakeng matagal na niyang pilit kinakalimutan
Walang iba kundi ang first love niya!
"V-Vince" Mahinang usal niya nang salubungin nito ang paningin niya. Nanghina ang kanyang tuhod nang makumpirma niyang si Vince nga ang nasa harapan niya ngayon!
"Small world" He smirked and gave her a death glare.