"One of the hardest goodbyes happens when you love someone but realize that building a relationship with them is impossible. Staying means waiting for changes that will never come..." ❤️🩹
Chapter 2
"Small world"
Muntik nang mabitiwan ni Lanie ang basket ng kanyang mga empanada nang marinig niyang magsalita ang lalakeng matagal na niyang nais kalimutan
None otherthan Vince Lavega! Her childhood dream boy. Her one and only long lost love. Ang taong dahilan kung bakit hindi na muling tumibok pa ang puso niya sa larangan ng pag-ibig. Ito ang may ari ng puso niya mula pa noon.
"Bessy?" Siniko siya ni Jela nang mapansin nito ang pagkatulala niya sa harap ng big boss nito pero para bang wala siyang naramdaman kundi ang pagkamanhid ng kanyang buong katawan.
Unti unti rin nanumbalik sa kanyang isipan ang mga oras na huling beses niya itong nakausap.
Flashbacks 5 years ago.
"A-Anong sabi mo?"
Pakiramdam ni Lanie nabinge siya sa bawat salitang binitiwan ni Vince. Kaya naman kahit malinaw na sakanya ang sinabi nito'y muli niya iyon nais marinig
Kahit pa ikawasak ng puso niya ang bawat salitang uulitin nitong sabihin.
Tinitigan siya nito ng isang blangkong tingin. Something is really wrong. Dahil wala na sa mga mata nito ang ningning sa tuwing nakatingin ito sa kanyang mukha.
Sa loob ng dalawang taong panliligaw ni Vince Lavega sakanya ay ngayon lamang nawalan ng kinang ang mga mata nito habang tinititigan siya ng deretso sa kanyang mga mata
Hindi niya tuloy maiwasan makaramdam ng kakaibang kaba. Kinakabahan siya sa paraan ng pagtingin nito sakanya. Para bang hindi na ito ang Vince na manliligaw niya. Ang Vince na walang ibang nakikita kundi ang kagandahan at kabutihan ng puso niya
"I said, I will stop courting you."
Nahigit niya ang kanyang paghinga nang muli nitong bigkasin ang mga salitang kinatatakutan niya. Hindi niya akalain na darating ang araw na susuko ito sa panliligaw sakanya
Nais niyang maglumpasay sa sahig. Narito sila ngayon sa likod ng kanilang mansyon. Katulong ng kanilang pamilya ang nanay ni Vince at driver naman ng kanyang daddy ang tatay nito.
Isang alkalde sa kanilang lugar ang daddy niya kaya naman nag-iingat siya sa bawat kilos niya. Isa na roon ang dahilan kung bakit hangang ngayon hindi niya parin sinasagot si Vince sa panliligaw nito sakanya
Eventhough she really love him. Mahal na mahal niya ang taong ito pero hindi pa tama ang pagkakataon. Magulo pa ang sitwasyon at hinihintay lamang ni Lanie ang araw na maaari na niyang ipagsigawan kung gaano niya ito kamahal
Ngunit bakit? Bakit ito sumusuko ngayon sa panliligaw nito sakanya? Napagod na ba itong maghintay sa matamis niyang oo? O Nainip sa paghihintay? O baka naman may nahanap na itong ibang babae na mamahalin nito?
Kumirot ng husto ang puso ni Lanie sa mga possibleng dahilan ng pagbaback out ni Vince sa panliligaw sakanya
"B-Bakit?" Pinatatag niya ang kanyang boses. Hinding hindi niya ipapahalata kay Vince na apektado siya. Kung gaano kalamig ang paraan ng pagtitig nito sakanya ay ganoon rin ang pagtitig na ibinibigay niya ngayon rito
"Dahil ayoko ng ligawan ka" Tumalikod ito at para bang balewala lang rito ang dalawang taong panliligaw nito sakanya
Muli lang nitong ipinagpatuloy ang paglilinis ng swimming pool ng kanilang mansyon gamit ang mahabang lambat. Tinatangal nito ang mga dahon na lumulutang sa ibabaw ng swimming pool
Pakiramdam ni Lanie nanghina ang kanyang tuhog. Napahawak siya sa outdoor table na nasa tabi niya. Mabuti nalang hindi nakita ni Vince kung gaano siya nanghina sa sinabi nito.
Sunod sunod siyang napalunok. Nais niyang kurutin ang kanyang sarili dahil baka nananaginip lamang siya?
Impossible kasing magback out si Vince sa panliligaw nito sakanya dahil patay na patay ito sakanya! Kaninang umaga lamang binigyan pa siya nito ng empanada na niluto ng nanay nito. Huwag daw siyang magpapagutom. Isa sa mga minahal niya sa katangian ni Vince ay ang pagiging maalaga nito at maaalalahanin.
Hinatid pa nga siya ni Vince kanina sa classroom niya habang buhat buhat nito ang kanyang bag at mga libro. Sa totoo lang para na silang magkasintahan pero kulang nalang sila sa kompirmasyon ng kanilang relasyon!
Ngunit after lunch kanina hindi na niya ito nakita pa. Hindi rin ito sumabay sa pagkain niya ng lunch kaya naman nagtaka siya. Sa loob ng dalawang taong panliligaw nito sakanya ay para itong linta na nakadikit palagi sa kanyang tabi. And she really likes it. Gustong gusto niya sa tuwing nasa tabi niya si Vince
Nagtaka siya nang hindi rin ito sumabay sa pag-uwi niya mula sa kanilang paaralan. Tinanong niya ang tatay nito na driver ng kanilang family car, sinabi lang ng tatay nito na masama raw ang pakiramdam ni Vince kaya maaga itong umuwi.
Pagdating niya sa mansyon, hinanap agad niya ang kanyang mahal na manliligaw. Nag-alala kasi siya ng husto kay Vince eh! Akala niya maaabutan niya itong nilalagnat sa kwarto nito ngunit naabutan niya itong naglilinis ng swimming pool.
"K-Kung iyan ang desisyon mo. E-Edi sige. Ikaw ang bahala no"
Nilakipan pa ni Lanie ang pagtataray ang kanyang boses. Nais niyang iparating kay Vince na balewala ang pagback out nito sa panliligaw sakanya
Hinding hindi niya ipapahalata kay Vince na winasak nito ang kanyang puso sa mga oras na iyon.
Hinding hindi rin niya itatanong kung bakit at kung ano bang nangyari para itigil na nito ang panunuyo sakanya?
Tinitigan lang ni Lanie ang likuran ni Vince habang patuloy lang itong naglilinis ng swimming pool. Para bang balewala na talaga siya sa lalakeng nagparamdam noon sakanya na isa siyang espesyal na babae sa buhay nito
Halos ipagsigawan na nga nito kung gaano siya kamahal eh! Pero sa isang iglap lang mawawalan na ito ng gana?
Paano na ang mga pangarap ni Lanie para sakanilang dalawa ni Vince?
Ang hirap naman pala kapag nagback out bigla yung manliligaw mo! Pakiramdam ni Lanie nagsisisi siya dahil pinatagal niya pa ang panliligaw ni Vince sakanya. Napagod na tuloy itong hintayin siya.
Anong magagawa niya? Hindi pa siya maaaring magkaroon ng nobyo. Panigurado mawawalan ng trabaho ang magulang ni Vince at mawawala ang scholarship nito sa oras na malaman ng daddy niya ang relasyon niya kay Vince.
"G-Ganoon lang yon ha Vince?" Hindi mapigilang tanong ni Lanie kay Vince dahil palaisipan sakanya kung bakit nito isusuko ang lovelife nilang dalawa
Masaya naman sila kaninang umaga diba?
"Yeah"
Kahit katulong lamang ang magulang ni Vince, mahilig itong magsalita ng ingles. Hindi naman kasi talaga anak nila Aling Puring at manong Berto si Vince eh. Anak daw ito ng isang mayamang Amerikana na amo dati ni Aling Puring. Iniwan daw ito ng nanay nito kay Aling Puring at hindi na muling binalikan pa.
5 years old na noon ang batang si Vince nang iwanan at abandonahin ito ng tunay na magulang nito. Kaya naman si Aling Puring at Manong Berto na ang tumayong magulang ni Vince simula noon
Hindi na nawala sa systema ni Vince ang pagsasalita ng wikang ingles dahil iyon ang kinalakihan nito.
"A-Ah okay." Pinili nalang ni Lanie ang tumawa ng pagak. Alangan naman mag-makaawa siya kay Vince na huwag itigil ang panliligaw nito diba? Nakakahiya naman!
She's still young pa naman eh. Siguro naman makakayanan niya ang first heartbreak na ito? She's only 18years old. Hindi niya rin alam kung paano ihahandle ang ganitong sitwasyon.
All she wants to do is to run towards her room and cry her heart out. Gustong gusto na niyang umiyak sa kwarto niya!
Tumalikod na siya upang pumunta sa kanyang kwarto. Bawat hakbang niya papalayo kay Vince ay para bang pabigat ng pabigat ang puso niya. Umaasa siyang babawiin pa ni Vince ang desisyon nito sa pagtigil sa panliligaw sakanya
But he never did...
Sa lahat ng lalakeng nakilala ni Lanie, Si Vince na ang masasabi niyang pinaka-green pa sa greenflag. But right now, Vince just gave her a white flag. Sumuko na ito sa paghihintay at panliligaw sakanya.
End of flashback :
"Huy Lanie?" Muli siyang siniko ni Jela. Doon palang tila natauhan si Lanie sa pagbabalik ng kanyang mga ala-ala
Hinarap naman agad ni Jela ang boss nito na nakatingin rin kay Lanie.
"B-Boss sorry po ha? Lately kulang po kasi sa tulog itong kaibigan ko kaya bigla bigla nalang yan natutulala eh! Alam niyo na boss kumbaga sa cellphone kulang siya sa charge? Hindi nga rin po yan nakakaligo eh"
Napalunok siya ng sunodsunod si Lanie nang maalala niya ang itsura niya ngayon! Unti unting nanlaki ang kanyang mga mata
Bakit ngayon pa sila muling pinagtagpo ni Vince kung kailan mukha siyang basahan?!