( "Meeting you is the most beautiful thing that happened into my life. Thank you for the temporary butterflies that you given to me..." )
Chapter 3
Parang gusto niyang tumakbo palabas ng private office ni Vince dahil tinignan siya nito mula sa kanyang paa hangang sa kanyang mukha.
He's looking at her with disappointment. Hindi yata nito inaasahan ang bagong Arlanie na makikita nito makalipas ang limang taon. Malayong malayo na kasi ang itsura niya ngayon sa dating Arlanie na nakilala nito.
Pakiramdam ni Lanie nanliit siya sa ginawang paghagod ng tingin ni Vince sakanya. Hindi niya mapigilan mapalunok lalo na nang mapatingin ito sa kanyang pawisang mukha
Nagsisisi tuloy siya kung bakit nga ba hindi muna siya nag-ayos man lang ng kanyang magulong buhok? Pawis na pawis pa naman siya sa mga sandaling iyon.
"A-Ang pangalan po nitong kaibigan ko, Lutang este Arlanie ho boss. Marami po kaming dalang empanada--"
Napansin ni Arlanie na bahagyang kumunot ang nuo ni Vince. Inangat nito ang kamay nito bilang senyales na huminto sa pagsasalita ang kaibigan niyang madaldal.
Agad naman itong natahimik. Nahalata rin siguro ni Jela na wala sa mood ang boss nito ngayon.
"I need to talk to her in private."
"Ho?" Hindi agad naunawaan ni Jela ang sinambit ng boss nito. Mas lalo naman si Arlanie na nakatayo lamang at wala paring masabi kahit isang salita man lang
"Come with me Miss Jela." Kung hindi pa lumapit ang sekretarya ni Vince sa likuran ni Jela ay hindi pa nito mauunawaan ang privacy na nais ng boss nito
"Ah? Osige po." Siniko muna ni Jela ang kaibigan nitong medyo tulala parin at pasimpleng binulungan
"Gaga ka umayos ka nga Lanie. Bakit para kang natuklaw ng ahas diyan! Kakausapin ka ng boss ko kaya ayusin mo ang sarili mo. Once in a life time opportunity mo ito bessy kaya umayos ka"
May halo pang pagkurot sa kanyang tagiliran si Jela bago ito sumama sa secretary ni Vince palabas ng private office. Upang magkaroon sila ng privacy.
Lalo yatang bumilis ang t***k ng puso ni Lanie at halos rinig na rinig na niya ang tunog ng t***k ng puso niya.
Muli siyang napalunok nang tignan ulit siya ni Vince mula ulo hangang sa kanyang paa. Saglit itong napa-iling bago ito sumandal sa kinauupuan nito.
"Alam mo ba kung bakit kita pinatawag rito Miss?" Panimula ni Vince. Para bang ibang tao siya kung kausapin nito.
Tumango lamang si Lanie ng dahan dahan. Hindi parin kasi niya mahagilap ang dila niya. Nalunok yata niya eh.
In-shock parin siya sa muli nilang pagkikita ng nag-iisang lalakeng nakapasok sa puso niya noon.
Tumaas ng kaunti ang kilay ni Vince.
"About what?"
"T-Tungkol sa empanada" Bahagya pa siyang napapiyok.
He smirked. Para bang natuwa pa ito nang mapansin nitong apektado siya sa muli nilang pagkikita?
Huminga ng malalim si Arlanie upang ayusin ang sarili niya. Hindi siya maaaring magpahalatang apektado ng todo. Baka kung ano pang isipin nito.
Iniisip rin ni Lanie ang huling salitang binulong ni Jela sakanya. Once in a lifetime opportunity nga naman ito para sa kanya kaya hindi siya maaaring tumunganga lamang
"N-Nabigla naman ako Vince. I-Ikaw pala ang CEO ng company na ito?" She tried to laugh a little bit. Pero parang naging tunog fake laugh iyon dahil sa nerbyos niya
Hindi ito nagsalita. Nakatingin lang ito sakanya na para bang hindi interesado sa kung ano mang sasabihin niya
"G-Grabe no? Small world nga! Sorry ha natulala ako ng very light? Nabigla naman kasi ako eh. Asensado kana ha? Ang ganda nitong kumpanya niyo grabe--"
"Stop selling empanada in my building." Putol nito sa pagsasalita niya kaya naman unti unting nawala ang pekeng ngiti sa kanyang labi
Ano daw? Tama ba ang rinig niya? Itigil na daw niya ang pagbebenta ng mga empanada??
"H-Ha?" She nervously asked.
"Pinagbabawalan na kitang magtinda sa building ko at sa lahat ng building na pinagrarasyunan mo. Infact you have to stop selling your empanada from now on"
Malamig at walang awa nitong tugon. Pakiramdam ni Arlanie nabinge yata siya sa sinabi ni Vince.
"H-Ha? A-Ano? B-Bakit?" Kinakabahang tanong niya. Ngunit nakakunot na rin ang kanyang nuo
"Don't you know that there is a law that prohibits copying a food recipe?"
Lalo pang napakunot ang nuo ni Lanie.
"Ha? A-Anong kinopya? Bakit ano bakit--"
Hindi malaman ni Arlanie kung ano ang unang itatanong. Naghalo halo na sa kanyang isip ang kanyang mga nais itanong sapagkat napangungunahan siya ng kaba
"We both know that my mom--"
"Oo recipe nga ng mama mo yung mga empanada ko! Pero ako naman nagluto ha? At panigurado papayag naman ang mama mo kung sakali dahil tinuro niya naman sakin kung paano iluto ang mga empanada ko--"
"Our restaurant have that exact empanada taste. If you don't stop selling empanadas, I will be forced to file a lawsuit against you." Seryoso at mapanganib nitong sambit
Napanganga lamang si Arlanie at walang ibang masabi. Pakiramdam niya ibang tao ang kaharap niya.
Mas gumwapo nga ito ng todo ngayon pero nagbago naman ang mabuting ugali nito noon! Para bang wala na itong puso kung manalita at para bang hindi ito nabaliw noon sakanya.
"Makakaalis kana." Pagtataboy ni Vince sakanya nang hindi siya makakibo ng ilang segundo
"P-Pero ito lang ang kabuhayan ko--"
"It's not my problem anymore"
"V-Vice grabe ka naman? Para tayong hindi magkababata ah? P-Purkit yumaman kana ganyan kana ngayon?"
Tumaas ng kaunti ang sulok ng labi ni Vince.
"Maybe?" Mayabang nitong sambit pero may kakaibang talim ang mga mata nito habang nakatingin sakanya
"G-Grabe ka! Ang sama mo. Makapanliit ka sa mahihirap ha! Napakayabang mo na--"
"Tables have turned." Nakuha pa nitong ngumiti ng nakakaloko at mayabang na nakatingin sakanya
Namula tuloy ang buong mukha ni Arlanie. Napakayabang na ni Vince ngayon! Parang gusto niya itong pagmumurahin ng malutong! Sasabog na kasi sa inis ang kanyang dibdib
Pero huminga lamang siya ng malalim upang pakalmahin ang kanyang sarili. Gusto man niyang umiyak sa harap nito ngayon upang magmakaawa pero hinding hindi niya iyon gagawin.
"Bakit kaya sinuwerte ang katulad mo no? Mabuti pala hindi kita sinagot noon--"
Natigil sa pagsasalita si Arlanie nang marinig niyang tumawa ng nakakaloko si Vince
Lalo siyang nainis sa paraan ng pagtawa nito. Paano ba naman lalo itong gumagwapo eh!
"Should i say, Mabuti nalang tinigil ko panliligaw ko noon sayo." Nakangisi nitong sambit na para bang nilalait nito ang kanyang itsura ngayon
Saglit tuloy siyang napahagod sa kanyang pawisang bangs. Panigurado hagard na hagard na talaga siya ngayon
So what?
Pinameywangan niya ito. Kahit gustong gusto na niyang magmakaawa rito mas nanaig parin ang pride niya.
No way! Mag-dedelata nalang siguro muna siya ng ilang araw at maglalabada muna sa mga kapitbahay niyang chismosa. Kaysa naman magmakaawa siya sa mayabang na Vince na ito!
Napakabitter!
Parang dati lang baliw na baliw ito sakanya eh?
"Napakabitter mo ano? Siguro kaya mo ako ginagantihan ngayon dahil sa nakaraan nating dalawa? Kunwari ka pa riyan eh!"
"Get out" Natatawa ito na parang nang-iinsulto
"Talagang aalis ako sa pangit na kumpanyang ito no! Napakayabang mo! Kahit CEO kana wala akong paki-alam no! Kaya nga kita hindi sinagot noon kasi wala akong paki-alam sayo!"
Nakita ni Arlanie na nawala ang pagngisi ni Vince at dumilim ang gwapong mukha nito
Tumalikod na siya dahil malapit na rin siyang maiyak. Hindi naman kasi totoo ang bawat salitang sinabi niya eh.
Ofcourse may paki-alam siya sa lalakeng yan. Mahal na mahal nga niya yan noon eh!
O baka hangang ngayon? Kasi masakit sa puso niya ang paraan ng pakikipag-usap nito sakanya eh.
It's as if everything they shared before wasn't real.
Mabigat ang puso niya nang lumakad siya palabas ng private office ni Vince. Binalibag pa niya ang pinto.
Nagulat tuloy ang secretary ni Vince at si Jela nang lumabas siya roon
"Bessy anong nangyari--"
"Napakayabang ng boss niyo!" Umuusok ang ilong sambit niya. Derederetso siyang nagmartsa palabas sa hallway.
Hinabol agad siya ni Jela. Habang bitbit nito ang basket ng empanada. Samantalang pumasok agad ang secretary ni Vince sa loob ng private office nito na may pag-aalala sa mukha.
"Bessy! Teka nga lang! Ano bang nangyari? Hintayin mo ko! Naku ano bang nagawa mo? Eh napakabait ni boss Vince!"
Direderetso lang si Arlanie hangang makarating sa harap ng elevator. Hindi na niya napigilan ang pagtulo ng kanyang masaganang luha
"Ano ka ba naman bessy! Ano bang ginawa mo doon? Bumalik tayo--Ay huy bakit ka umiiyak?"
Napahikbi na si Arlanie nang tuluyan dahil ang bigat bigat ng puso niya.
Unti unti rin nagbalik sakanya ang mga ala-ala ng kanilang nakaraan ni Vince.