Chapter 119 “Ostende nobis veritatem ubi quaerimus,” bulong ni Rachel saka nagpakita ang isang lagusan kung saan nila hinahanap nila Sia. Hindi sila nag-aksaya ng panahon nang makakuha sila ng tyempo para makuha rin nila ang lagusan patungo sa purgaturyo kung saan nila makukuha ang katawan nila Zyair at Tabitha. Isa-isa silang lumabas doon at huminto sila sa isang malaki at pamilyar na gusali. Nararamdaman nila ang enerhiya sa loob at mahika na meron dito. Habang nakatirik ang mata ng isa para malaman ang nangyayari sa loob. “Nag-uumpisa na sila sa orasyon nila at hawak nila ang kailangan din natin,” bulong ng babaeng nasa kanan ni Rachel. Magsasalita na sana ito nang may lumapit sa kanilang matabang babae. “Hi, kakain kayo,” bati nito sa kanila at isa-isa silang humarap. “Ang pagkaka

