Chapter 120 SINALUBONG ng kulay abong lugar si Sia, nakakarinig siya ng mga lintanyang iyak sa di kalayuan, mga kaluluwang hindi matahimik, walang dahon ang puno roon, makulimlim at kulay abo rin ang kulay ng kalangitan. Puno ng mga pumpkins sa paligid, mapamaliit man o malaki sila’y kulay itim na para bang lanta na, dahan-dahan siyang naglakad at sinuri ang paligid. Naging alerto siya sa maaring panganib na mangyari. Patuloy pa rin siya sa kanyang paglalakad kaya mas lalong lumalakas ang mga iyak ng mga kaluluwa sa paligid. May mga nakikita siyang mga hugis na mukha sa ilang kapalit na puno na para bang matatanda, buhay pa ang mga ito at umiiyak. Humihingi ng tulong, na sana’y patawarin na sila at hindi na sila uulit sa kanilang ginawa noong nabubuhay pa sila. Sa sobrang laki ng kasala

