Chapter 121 MULING nakita ni Sia ang kanyang sarili na nasa loob ng kanyang panaginip. Nakita na naman niya ang inosenteng bata, sa pagkakataon na ito’y karga-karga ni Elrich ang bata, parehas masaya at nakikipaglaro. Parang may kinakausap ito ngunit hindi niya masyadong maintindihin, basta ang importante sa kanya makitang masaya si Elrich kasama ang batang iyon. “Euphrasia…” Nakarinig siya ng bulong mula sa likuran galing sa hangin kaya agad siyang napalingon doon, wala na siyang makita kundi napapalibutan na siya ng sunog at abandonadong lugar ng Templar noon. Nakakarinig siya ng mga bulong, bulong na katulad sa purgaturyo ng mga kaluluwang hindi pa rin matahimik. Wala na rin si Elrich at bata dahil sa dilim na bumabalot sa lugar. Naging alerto siya nang makarinig siya ng mga kalusko

