Chapter 46

1191 Words
Chapter 46 THIS night is magical. Hindi pa rin ako makapaniwala na nangyari ito at isa ito sa phase ng buhay ko, isa na akong Mrs. Langston. Nang maging successful ang seremonya at masabing kasal na nga kami ni Kalen dumiretso na kami sa hardin sa likod ng manor ng mga Langston kung saan gaganapin ang isang simple at maliit na handaan. Imbetado ang lahat ng nasa tribo lalo na ang ilang tribong malalapit sa mga Langston na ngayon ko lang nakita maliban sa unang bumisita noon. Masaya lang akong nagpapasalamat sa nag-congratulate sa ‘kin nang mapansin kong nagseryoso ang ilan kong mga kasama. Napasulyap ako sa ilan at nagkaroon ng ilang bulungan sa tabi ko. “Bakit sila narito?” “Hindi ko rin alam, ang akala ko ba ayaw nilang kumonekta sa ‘kin na sino sa mga tribo natin,” pabulong na sagot sa likod ko. Lumapit si Mia sa ‘kin at ngumiti ngunit may pangamba sa mga mata niya. Nagsisiusugan at nagsisitabi ang ilang bisita nang dumating ang isa pang bisita na hindi ko alam kung imbetado ba sila. Grupo silang dumating, siguro’y tribo rin, halos puti ang suot nilang kasuotan ngunit nagsusumigaw ang itim na aurang bumabalot sa kanila, lahat ay umiiwas sa kanila at hindi makabati sa mga ngisi sa mga labi nila. Sino ba sila? Hindi ko rin mahagalip si Kalen na bigla na lang nawala. Hinawakan ako ni Mia sa kamay kaya muli akong napasulyap sa kanya, “bakit?” Hinihila ko pabalik ang kamay ko ngunit malakas siya at ayaw niya itong bitawan. “Pumasok na muna tayo sa loob,” pagyayaya niya ngunit nanlalamig ang kamay niyang nakahawak sa ‘kin. Ngumisi ang babaeng may silver na lipstick sa ‘kin saka siya tuluyang nakalapit sa ‘kin, inalis niya ang hood na nakapatong sa ulo niya kaya lumabas ang kulot at blonde niyang buhok, para siyang si Mare kung umasta nong una kaming nagkita noon. Iaabot na sana niya sa ‘kin ang kamay niya nang tinabig ito ni Kalen at humarang sa pagitan sa amin na siyang kinagulat ko lalo na ang ilan. Sumilip ako at hindi nagustuhan ng mga kasama nong babae ang mga kasama niya sa ginawa ni Kalen. “Kalen,” bulong ko sa kanya ngunit hindi niya ako pinansin. “Bakit kayo narito?” Matapang na tanong ni Kalen sa mga bagong bisita. Lumapit ang halos kasing edad ni Kalen na lalaki at hinapit ang bewang nong babaeng makikipagkamay sana sa ‘kin. “Wala ka bang galang sa Luna sa kabilang tribong dapat ginagalang mo rin,” wika nitong babae, Seryoso siya ngunit nakangisi pa rin siya, mga ganitong nilalang ang dapat iniiwasan, hindi mo alam kung anong klaseng pag-iisip meron sila habang nakangisi at nakangiti kahit pa may tensyon ng nangyayari. “Hindi kayo imbetado,” wika ni Kalen. “Inimbitahan na namin ang sarili namin dahil minsan lang magkaroon ng mortal na Luna sa isang tribo ng mga wolfs,” mapang-asar na wika nitong lalaki na nakahawak sa babae, “may tradisyon tayong---” Pinutol ni Kalen ang sasabihin niya, “umalis na kayo kung wala naman kayong kailangan iabala pa sa seremonya namin.” Humiwalay ang lalaki sa babae at saka lumapit kay Kalen saka tinapik-tapik sa balikat. “Huwag mong sabihin na natatakot kang gawin ang tradisyon sa bagong Luna, Kalen? Huwag mo naman ipakita sa mga tribo at nasasakupan mo na hindi ka marunong sumunod sa tradisyon lalo na’t may nanalaytay sa dugo mo bilang bampira,” makahulugan niyang wika kay Kalen saka ako pinasadahan nong lalaki ng tingin saka siya lumayo. Kinuha niya ang kamay nong babae na Luna raw sa tribo nila at saka sila naglakad papalapit sa grupo nila. Nag-umpisang mapunta sa amin ang atensyon lalo na ang kabilang sa ilang miyembro ng tribong bisita namin. “Ano ba iyong tradisyon na sinasabi niya?” Nagtataka ako at walang ideyang tanong sa kanila. Binitawan na ako ni Mia nong humarap si Kalen sa ‘kin, may pag-aalala sa mga mata niya at hindi ko alam kung bakit. Hinawakan niya ako sa balikat at ang isa sa pisngi ko. Ngayon ko lang uli nakitang ganito si Kalen. “Hindi mo naman kailangan gawin, delikado at saka inaalis na namin ang tradisyon na iyon,” sagot niya. “Hindi ko ba kayang gawin?” Inosente kong tanong sa kanya. Nakatitig lang siya sa mga mata ko habang nag-aalangan. Napabuntong-hininga siya saka niya ako binitawan. “Ayos lang kahit hindi mo gawin, Sia, hindi namn kailangan,” sagot niya. “Kahit pa panglan mo ang nakasalalay dito? Pipiliin mo pa ang kaligtasan ko kesa sa tiwala nila sa ‘yo?” Muli kong tanong, nararamdaman kong ganu’n siya ngayon, hindi ko man alam kung ano yung sinasabi niyang tradisyon, pakiramdam ko delikado ito kaya ayaw niya akong payagan na sumailalim. “Wala ka bang tiwala sa ‘kin na hindi ko magagawa?” Umiling siya, “hindi iyon sa ganu’n, alam kong kaya mo, delikado siya kung alam mo lang…maari mong ikapahamak o ikamatay.” Sandali akong natigilan at mas lalong bumilis ang t***k ng puso ko sa kaba. Mas nangingibabaw ang takot ngunit may pangalan siyang hinahawakan at hindi pa itong masira. Siguro dahil sa pride at ayaw kong mapahiya sa lahat bigla na lang lumakas ang loob ko na gawin ang hindi niya gustong mangyari. “Gagawin ko,” wika ko na siyang ginagulat niya, bumitaw ako sa kanya at umatras. Nakatingin pa rin sa ‘kin ang lahat, huminga muli akong malalim, “gagawin ko ang tradisyon kung ako nga ang karapat-dapat na Luna ng tribo na ito!” Hindi ko akalain na kapalit ng masayang seremonya ay isang delikado at madilim na tradisyon. Nakatitig ako kay Kalen, sa mga mata niya habang inaanunsyo yon sa lahat, nanlilisik ang mga mata niya at hindi ko alam kung galit ba siya sa ‘king ginawa, ngunit bahala na! Ngumisi ang Luna sa bagong dating na tribo sa ginawa ko, nag-aalalang lumapit si Mia si Tanda. Nagtaka ako nang igaya nila ako pa-kanluran sa kinatatayuan ko at nagsigilid ang mga bisita para bigyang daan ako. Hindi ko alam ngunit parang gusto kong umatras dahil kakaibang dilim ang bumabalot doon sa kakahuyan, wala na akong makitang puno o ano man, maari ba iyon? “Occidens tenebris,” wika ni Tanda. “The West Dark, ang pinakakatakutang dilim ng pack, mag-iingat ka sana,” sambit ni Mia nang sabay nila akong bitawan ni Tanda. Namimilog ang mga mata kong napasulyap sa kanila habang nakakunot-noo, “anong gagawin ko? Anong mangyayari sa ‘kin sa loob?” “Malalaman mo rin pag nasa loob ka na, binibini, ang mga Luna lang ang nakakaalam kung anong meron sa loob at sino ang maswerteng mabubuhay sa tradisyon na ito, kailangan mong makalabas ng ligtas,” paalala niya. Muli akong humarap kadiliman, may animoy bumubulong sa hangin na huwag akong tutuloy o huwag akong papasok sa loob. Ngunit kahit hindi sabihin ng hangin, hindi ako sigurado kung makakaligtas ba ako sa loob.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD