Chapter 47
SUOT ko ang aking puting bistidang pang kasal habang nasa gitna ng madilim na kakahuyan. Nang makapasok ako nilamon na ako ng dilim, sinilip ko kung saan ako pumasok ngunit bigla na lamang akong pinalibutan ng kadiliman, huminga ako ng malalim at pinakiramdaman ang paligid ko…wala akong kahit na anong maramdaman sa lugar. Walang hangin, kaluskos ng dahon o ano pa man ang siyang nakakatakot.
Hindi ka sigurado kung anong meron dito at paano ako makakalabas. Basta ang mga Luna lang ang nakakaalam kung anong meron sa dilim ng kanluran, may kailangan ba talaga akong katakutan? May nakakalabas ba ng ligtas? Makakalabas ba ako ng ligtas? Napasulyap ako sa kanan ko nang makarinig ako ng ingay na animoy mabilis na dumaang huni ng hangin, napalunok ako, napakapit ng todo sa damit ko, ang lakas ng kalabog ng dibdib ko, walang tutulong sa ‘kin na kahit na sino, kailangan kong tatagan ang sarili ko.
Nagpatuloy ako ako at nag-umpisa muling maglakad ngunit habang tumatagal mas lalong lumalamig sa paligid kahit pa wala namang hangin, napasulyap ako sa paanan ko nang mapansin kong kumakapal ang usok na bigla na lang lumabas, hindi ko pinansin ang pagbabago sa lugar at muli pa rin akong nagpatuloy. Kumanta ako sa ‘king isipan para lang maibaling ang sarili ko sa atensyon sa ibang bagay.
Nagtaasan ang balahibo ko sa batok nang may maramdaman akong may huminga sa kanang tenga ko, mainit…na malamig hindi ko alam kung paano ko ipapaliwang ang pakiramdam na iyon.
“Euph…rasia,” may bumubulong sa pangalan ko mula sa gilid ko.
Namimilog ang mga mata ko at hindi alam kung anong gagawin.
“Euphrasia…” animoy tinatawag niya ako at sinasabing pansinin ko siya.
Umiling ako, “hindi, baka ilusyon lang ang lahat, wala kang naririnig---”
“Tulungan mo ko, anak!”
Agad akong napalingon nang makilala ko ang boses na iyon, nanlalaki ang mga mata ko nang makita ko si ina na lumulubog sa kumunoy sa tabi ng isang malaking puno, agad akong tumakbo at hindi na nag-isip pa kung isa itong patibong. Nagpadaosdos ako sa sahig at walang pakialam kung marurumihan man ang damit ko pang kasal nang maupo ako, agad kong hinawakan ang kamay niya, naramdaman ko rin ang paghawak niya sa ‘kin ng sobrang higpit ngunit huli pa para magsisi nang mabilis na nagbago ang kanyang anyo. Nanigas ako sa kinauupuan ko hanggang sa maramdaman ko ang magaspang niyang kamay at pagguhit ng mahaba niyang kuko sa pulso ko.
Ngumisi siya kaya lumabas ang matutulis at akala mo’y hindi nalilinis na mga ngipin sa dumi nito. Mabilis siyang pumangit na isang halimaw, na may kalahating taong pang itaas at kalahating buntot ng ahas paibaba. Lumabas ang dila niyang malaahas, nagpupumilit akong kumawala sa kanya ngunit ayaw niya akong bitawan. Kung makatitig siya sa ‘kin parang isang masarap na hapunan ako para sa kanya.
Sinipa ko siya sa sikmura niya kaya nagawa kong makatakas, agad akong kumaripas ng takbo para makalayo sa kanya hangga’t makakakaya ko kahit na magkadadapa-dapa ako dahil sa naglalakihang ugat na nakaangat sa lupa mula sa mga nagtataasang puno.
Napasigaw ako sa sakit at natumba sa gilid ng puno nang may tumama sa ‘king kanang binti at kaliwang braso na para bang blade na himiwa. Nakita ko na lamang siyang tumatawa at may hawak siyang kaliskis galing sa katawan niya. Tumutulo ang dugo ko ngunit wala na akong pakialam lalo na’t namamantsahan na ng pulang dugo ko ang puting bistida.
Nakita ko na lamang siya sa gilid na humahabol kaya umatras ako patalikod, kumanan para malito siya sa hakbang ko hanggang sa matapilok ako padapang bumagsak sa lupa at sa harap ng malaking puno. Hingal na hingal ako ngunit namangha pa ako nang makakita ng butas sa punong binagsakan ko, hindi ko alam kung anong meron sa loob nu’n ngunit kailangan kong makatakas sa babaeng ahas na iyon at mailigtas ang aking sarili.
Gumapang ako roon hanggang sa magkasya ako, patuloy ako sa paggapang hanggang sa makakita ako ng liwanag, gaano ba kalaki ang puno na ito at isang minuto bago ako nakalabas? Hanggang sa makahinga ako ng maluwag, dahil din sa pagmamadali na baka mawalan ako ng hininga at takot na rin sa dilim. Hingal na hingal ako at napahiga sa sahig. Sumalubong sa ‘kin ang maliwanag na buwan sa kalangitan ngunit para itong asul, na nang-aakit…
Nanlaki ang mga mata ko nang maalala ko ang babaeng ahas kaya napabangon ako ngunit pagharap ko sa puno wala na ang butas na siyang pinagtaka ko, makapal ang hamog sa paligid ngunit unti-unti nang nawawala, napansin kong nawala ang galos sa braso na gawa nong babaeng ahas nang hawakan niya ako kanina, kinapa ko ang braso ko at binti wala na ang sugat kaya wala na rin akong maramdaman na sakit. Nilibot ko ang paligid na napapalibutan ng mga pine tree at may maliit na bahay sa gitna ng kakahuyan. Hindi ko masabing may nakatira roon o talagang bahay ba iyon dahil sira na ito at may mga vandalism pa ng ilang element.
Mula sa dilim na lumabas na maliit na wolf mula sa kanan ng bahay, kulay puti na wolf na may nakahugit na bilog sa noon ito at may itim na mga mata. Sa may kaliwa naman ng bahay may lumabas na itim na wolf na may crescent shape sa kanyang noo at may silver na mga mata. Kambal sila at papalapit sa ‘kin kaya napaatras ako sa takot na baka kung anong gawin nila sa ‘kin.
Ngunit nawala ang pangamba ko nang magtabi sila at maupo sa tapat ko na siyang pinagtataka ko.
“Mabuti naman at nakarating ka sa iyong bahay…”
Agad akong napalingon sa matandang babae na nakasuot ng itim na cloak habang may hawak na baston, may silver siyang buhok na hanggang likod at kulubot na ang balat sa mukha. Medyo matangos ang ilong na para bang hindi normal, nakatayo lang siya roon sa tapat ng sirang bahay.
“A-anong ibig mong sabihin?” Tanong ko sa kanya, “kasama ba ito sa tradisyon? May palaisipan ba rito?”
Napailing siya na siyang pinagtaka ko na para bang nanghihinayang siya.
“Napaglaruan ka ng tadhana at kinuha nila ito para itago nila sa ‘yo ang totoong ikaw, Euphrasia, hindi ka lang basta mortal, may ibig sabihin ang lahat ng ito at kailangan mong kunin ang trono na nararapat para sa ‘yo. Hindi ka nababagay sa kinabibilangan mo ngayon dahil sila rin mismo ang sisira at magpapabagsak sa totoo mong pamilya.”
Naningkit ang mga mata ko at para bang bugtong ang sinasabi niya. Magsasalita pa sana siya nang unahan na niya ako, para siyang bumubulong ngunit habang tumatagal naririnig ko kung ano ito.
“…iam somnus meus regina…”
Bumagsak ako sa lupa dahil sa biglang panghihina at hanggang sa…