Chapter 48
UMAGA na nang magising ako, nakita ko na lamang ang sarili kong nakahiga sa kama ko at nag-iisa. I still remembered of what happened yesterday night, huminga ako ng malalim, ngunit paano ako nakalabas mula sa kakahuyan na iyon? May kumuha ba sa ‘kin? Tinulungan ba nila ako, nang bumangon ako nakaramdam ako ng pananakit ng ulo at katawan. Napansin kong may mga benda sa braso ko at pulso pati na rin sa binti ko.
Nang bumaba ako sa kama ko mas lalo kong naramdaman ang hapdi, kirot sa binti ko dahil sa sugat at pressure ng katawan ko kaya ika-ika akong naglakad patungo sa banyo. May nakahanda ng gamot at ilang panglinis sa sugat sa bilog na lamesa. Habang hinuhubad ko ang damit ko para maglinis hindi pa rin mawala sa isip ko ang nangyari kagabi, anong ibig sabihin ng matandang iyon? Hindi ko rin kasama si Kalen sa unang gabi bilang bagong mag-asawa.
Patuloy pa rin ako sa pag-iisip nito hanggang sa makatapos ako at makapalit. Naupo ako sa harapan ng bilog na lamesa saka maingat na ginamot ang sarili ko. Napasulyap ako sa pinto nang may kumatok doon.
“Tuloy…”
Ilang segundo lang nang magbukas ang pinto at sumilip si Mia. Ngumiti siya ng bahagya saka siya tuluyang pumasok habang dala ang tray ng pagkain, nang mapansin niya ang ginagawa ko agad na siyang pumasok at nilapag ang pagkain sa lamesa sa harapan ko.
“Magandang umaga, tulungan na po kita, binibini,” wika niya saka kinuha ang hawak kong panglinis sa sugat at gasa.
Hinayaan ko na lamang siya at lalo na’t hindi ko naman abot ang isa kong braso.
Nakaupo ako sa harapan niya habang nakaupo naman siya sa labag at dahan-dahan na nilalagyan ng gasa ang binti ko.
“Ano bang nangyari kagabi? Paano ako nakabalik ng ligtas?” Tanong ko sa kanya.
Patuloy pa rin siya sa ginagawa niya at hindi tumingala sa ‘kin, “wala ka po bang naalala? Mabuti na lamang at kinaya ninyo. Sa totoo niyan hindi ko akalain na makakalabas ka ng ganu’n kabilis na may mga galos lamang at ilang sugat sa katawan.”
Napakunot-noo ako at napaisip, “anong ibig mong sabihin? Halos parang tumagal ako ng isang oras o mahigit pa at alam mo ba---”
“Naku, huwag mo munang ituloy, binibini, hindi ako Luna para marinig ang naranasan mo, wala kang maaring pagkwentuhan ng iyong naranasan sa loob ng tradisyon, tanging mga Luna lamang ang maaring makaalam nu’n at dadalhin nila ito sa hukay. Ang bawat Luna’y may kanyang-kanya na pagsubok sa oras na makapasok sila, doon din masusubok ang katatagan, tiwala at kung gaano mo kayang itago ang sikreto na nalaman mo.” Seryosong paliwanag ni Mia.
“Ngunit hindi nagustuhan ng alpha na pumayag ka sa gustong mangyari ng mga taga-Yardele na tribo, galit na galit siya na para bang gusto niyang hamunin ng gulo ang tribong iyon kundi ka lang biglang nawalan ng malay, basta paggaling mo mula sa loob wala ka sarili at tulala,” kwento pa niya.
Hindi ko naalalang may ganu’n.
“May komusyon na nangyari kaya pinatigil na ang seremonya nong gabing rin yon pagbalik mo mula sa pagsubok,” saka siya tumingala sa ‘kin at tapos na rin niyang bendahan ang binti ko, “kung hinahanap mo ang alpha wala siya rito kundi nasa pagpupulong siya sa mga tribo dahil may suliranin na namang nangyayari sa bawat tribong kakampi niya. Mas maganda siguro na magpasama na muna kayo sa ‘kin kung lalabas kayo o kaya’y may pupuntahan kayo sa bayan dahil tahimik din ang buong manor.”
“Salamat,” tumango-tango na lamang ako.
KATULAD nga ng sinabi ni Mia napakatahimik nga ng buong manor, wala ang usual na ingay at mga Langston na naglilibot sa buong manor dahil siguro sa mga bisita. Nararamdaman ko ang tensyon at hindi ko alam kung anong ginagawa ngayon ni Kalen sa mga oras na ito. Kaya nagpasama na lang ako kila Mia sa bayan, ngayon na lamang ako nakatungtong sa bayan at malaki ang pinagbago simula nong bumalik ako panandalian sa Roseville, wala akong makitang mabakas na may nangyaring trahedya sa bayan at nabuhay na lamang silang parang normal.
Maingay pa rin at normal lang na araw ng bilihan sa bayan. Balak ko rin bisitahin sila Nikita pagkatapos sa bayan at makabili man lang ng pwedeng dalhin sa kanila. Muli akong napahinto sa pamilyar na antique shop nang may marinig akong boses.
‘Hindi sila natutuwa sa nangyayari!’
Napahawak ako sa ulo ko at may kung anong pagguhit ng kirot sa ulo ko, kakaibang sakit.
Lumapit bigla si Mia saka lumapit sa ‘kin.
“Binibini, okay lang po ba kayo?”
Hindi ako makasagot nang muli na naman ako ng kakaibang ingay at boses.
‘Ngunit hindi tayo pwedeng magmadali,’
Isang pamilyar na boses naman ang aking narinig, “Kalen?” Bulalas ko.
‘Pinatay nila ang alpha sa tribong Handulga, isa sa atin ang suspek sa nangyaring pagpaslang sa alpha, at ganu’n din ang ginawa nila sa tribong Maura, sa tingin mo mananahimik kami? Anong gusto ninyong mangyari, isa-isa tayong maubos? Sino ang isusunod nila sa atin? Ikaw…ikaw ba? Bakit wala kayong takot na nararamdaman?’
‘Hindi matatapos ang usapan na ito kung magtatalo tayo at magpapadalos-dalos sa plano.’
‘Mister Langston, ikaw ang nasa mataas na posisyon, anong masasabi mo tungkol rito? Hindi pa tapos ang suliranin ng konseho tungkol sa pagiging kalahating bampira at lobo mo, siguro’y ito na muna ang unahin natin?’
‘Ngunit paano tayo papamunuan ng isang kalahating nilalang, kailangan ba natin siyang pagkatiwalaan?’
‘Nasa loob kayo ng mansyon ko, igalang ninyo ako! Wala kayong magagawa kung ano ang magiging desisyon ko, tama kayo! Mukhang nahahati ang opinion ninyo sa ‘kin bilang alpha, ngunit may tradisyon tayong sinusunod hindi ninyo ako maaring ibaba sa puwesto ko na hindi dumadaan sa tamang proseso, ang sa ‘kin lang kailangan nating imbestigahan ng maayos, hindi tayo maaring manisi, paano na lang kung pinag-aaway lamang nila tayo?’
‘Bakit iniiba mo ang usapan, Kalen? Natatakot ka ba?’
‘Hindi, Clinton---’
‘Kung ganu’n unahin na muna natin ang suliranin mo bilang alpha bago natin umpisahan ang imbestigasyon, sino ang may gusto?’
Bigla na lamang lumakas ang ingay nang sabay-sabay silang magsalita kaya mas lalong sumasakit ang ulo ko. Ilang beses akong tinatawag ni Mia ngunit tulala lang ako sa salaaming bintana ng antique dahil nakatutok ang atensyon ko sa mga boses na naririnig at pagtatalo nila. Ngunit bakit ko sila naririnig?
‘Maraming sumasang-ayon sa desisyon ko, Kalen, anong masasabi mo?’
Sandaling katahimikan ang akala ko natatapos na roon ngunit bigla kong narinig ko si Kalen at naging sagot niya.
‘Kung iyon ang gusto ng mangyari, sino ang gustong humamon---’
‘Ako si Clinton Yardele, ang alpha ng pack namin ang humahamon sa iyo!’