Chapter 49
SAKA lang ako bumalik sa realidad nang may tumapik sa balikat ko, napaatras ako at bumilis ang t***k nang puso ko sa pagharap ko kay Mia, gulat na gulat din siya sa ‘kin may halong pag-aalala sa mga mata niya.
“Ayos lang po ba kayo, binibini? Gusto na po ba ninyong umuwi? Namumulat po kayo…” nag-aalalang wika ni Mia habang hinahawakan niya ang nanginginig at nanlalamig kong mga kamay.
Hindi ako makasagot at maka-focus sa kanya dahil si Kalen ang iniisip ko.
“May hindi magandang nangyayari sa manor ngayon,” wala sariling wika ko sa kanya.
“Anong ibig mong sabihin?” Nag-aalangan na tanong ni Mia.
“Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag, biglaan ang lahat, hinahamon ni Clinton si Kalen para mapalitan ito bilang bagong pinakamataas na alpha?” Nagtataka kong wika.
Nanlaki ang mata niya at napabitaw sa ‘kin, “mukhang kailangan na po natin bumalik kung talaga pong totoo ang sinasabi mo po…” ramdam ko biglang kaba niya.
Muli kaming bumalik sa kotse at bumiyahe muli pabalik sa manor.
Wala pang kalahating oras nang makarating kami sa manor, habang papasok kami sa lupain nila tahimik pa ngunit habang papalapit kami at paghinto ng kotse sa tapat ng mansyon nakakarinig na ako ng ingay, lumabas na ako ng kotse at nagmadaling pumasok sa loob. Pagpasok ko at dumiretso ko palabas sa likod ng mansyon, nanlaki ang mga mata ko nang bumungad sa ‘kin sila nagkukumpulan, nagkakagulo sila, mas lalo akong nagulat nang makitang parehas ang pang itaas na damit ng dalawang lalaking naglalaban sa gitna ng lahat, parehas nang mga may galos sa buong katawan lalo na sa mukha.
Sa pagkakataon na ito si Kalen ang talo sa laban nila ni Clinton, ang dami kong tanong ko ngunit tama ang lahat ng aking narinig, nakaibabaw si Clinton kay Kalen at wala siyang pakialam kung mapapatay niya si Kalen.
Naramdaman ko na lang na tumabi si Mia sa ‘kin.
“Jusko! Anong nangyayari?” Tanong ni Mia sa tabi ko.
“Binibini…”
Napalingon ako sa kanan nang tawagin ako ni Mare, mula sa kumpulan lumabas siya at lumapit sa ‘kin, hindi na kayang makita ng ilang Langston sa nangyayari. Hinawakan niya ako sa kamay.
“Alam ko kaya mong pigilan ito, pahintuin mo sila,” naiiyak na pagmamakaawa ni Mare sa ‘kin habang nanginginig ang mga kamay niya.
“Alam nating walang pwedeng magpahinto sa tradisyon, alam nating lahat iyon kahit pa ang Luna, mapapahinto lang sila kung sino man ang mamamatay sa kanilang dalawa,” tutol ni Mia.
Bumitaw si Mare sa ‘kin at wala siyang nagawa kundi ang makitang nahihirapan si Kalen. Tumayo si Clinton, hingal na hingal at iniwang duguan si Kalen na nakahiga sa lupa habang nabibilad sa araw. Punong-puno ang galit sa puso ko habang nakikita ko siyang nahihirapan, naikuyom ko ang mga kamao ko, gusto ko siyang tulungan ngunit hindi ko alam kung paano, muli ko na naman nararamdaman ang kakaibang enerhiya sa katawan ko katulad nong dati, biglaan lang.
Umihip ang hangin at may bumulong sa ‘king tenga kasabay nito.
‘…in potestatme ventum…’
Hindi ko alam kung bakit sinundan ko ito sa pamamagitan ng bulong, “…in potestatme ventum…”
‘da fortitudinem…’
“da fortitudinem…”
‘spoliare creaturam paulatim viribus venemun in corpore mortis…’
“spoliare creaturam paulatim viribus venemun in corpore mortis…” bigla lang humina ang hangin at nabigla ang lahat nang sumuka si Clinton sa isang tabi ng kulay berdeng tubig. Lahat ay dinaluhan siya lalo na nong bigla siyang bumagsak, sumusuka pa rin at naghahalo na ang dugo sa suka niya habang humahawak sa sikmura niya.
“A-anong nangyayari sa kanya?” Tanong nong lalaking nasa tabi ni Mia.
“May pandarayang naganap,” bulong ni Mia kaya ako napasulyap sa kanya habang nakatuon pa rin ang atensyon niya kila Clinton.
“Mamaya na natin yang pag-usapan kailangan tayo ni Kalen,” napatakbo na si Mare sa tabi ni Kalen at ng ilang tumutulong sa kanyang buhatin ito para maibalik papasok sa manor.
Nanlaki ang mga mata ko nang may mapagtanto ako, saka ko lang naintindihan kung ano ang nasabi at nagawa ko, ‘ako ba ang may gawa nu’n? Anong lenggwahe iyon?’
Bigla na lang bumilis ang t***k ng puso ko, hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko nang makita ko si Kalen na kalong nila at napadaan sa harapan ko hanggang sa tuluyan silang lumagpas. Sumunod naman na dumaan si Clinton na buhat ng mga kasama niya na wala nang malay.
ILANG minuto akong tulala sa silid ko at hindi na muna lumabas. Alam kong ginagamot nila si Kalen sa tulong nila Tanda at ilang magagaling na manggagamot na kabilang sa tribo ng mga Langston. Tumayo ako nang na isipan kong lumabas para bisitahin si Kalen, pagkabukas ko ng pinto saktong nakasalubong ko si Mia, seryoso ang mukha niya at hinintay na makalapit sa ‘kin.
“May balita ka ba?” Tanong ko sa kanya.
Sumulyap siya sa ‘kin na para bang nakikita niya ang kaluluwa ko at nababasa niya ang nasa isip o pag-aalala ko ngayon. Natatakot ako na malaman niyang ako ang may gawa nu’n ngunit nagawa kong pagtakpan ang kaba ko sa simpleng pagngiti sa kanya.
“Nasa maayos nang kalagayan si alpha ngunit malubha ang sakit ngayon ng alpha sa Yardele, inuwi na siya ng mga kasama niya at dahil sa pangyayari nagsibalikan na sa kanilang mga lugar…invalid ang nangyaring hamon ngayon dahil parehas silang natumba sa laban,” paliwanag ni Mia.
“Salamat kung ganu’n, gusto ko sana siyang puntahan,” paalam ko sa kanya kaya tumango na lamang siya.
Naglalakad na ako palayo sa kanya nang mapansin kong nakatingin pa rin siya habang papalayo ako, hindi ko alam kung bakit ko nararamdaman? Ngunit hinayaan ko na lamang at nagmadaling naglakad hanggang sa makarating ako sa west wing, ilang minuto lang nang makarating ako sa pinto ng silid ni Kalen, napansin kong nakaawang ang pinto nito at wala nang kahit na sinong nagbabantay sa labas. Excited na sana akong kausapin siya at paghawak ko sa doorknob napahinto ako nang marinig ko ang pamilyar na boses babae.
Humihikbi siya, “maraming salamat at gising ka na, Kalen…”
May kung anong kumirot sa puso ko nang makilala kong si Mare ito, pasimple akong sumilip sa awang at nakita kong nakatalikod siya sa direksyon ko habang nakaharap sa kanya si Kalen, magkahawak ang kamay nilang dalawa. Inabot ni Kalen ang isa niyang kamay sa buhok ni Mare at saka ito inayos na mas lalong hindi ko nagustuhan.
Anong ginagawa nila? Hindi ko napansin na humihigpit na ang pagkakahawak ko sa doorknob.
“Mabuti na ako, Mare, maraming salamat sa pag-aalala…”
Mas lalong nanghina ang tuhod ko at para bang babagsak ako nang marinig ko ang malimbing na boses ni Kalen habang pinapatahan niya si Mare, hinila niya ang braso ng dalaga at saka ito yinakap sa bisig niya. Hindi ako makahinga, para akong nilalamon ng kakaibang galit at inis. Bumitaw ako, naglakad palayo ngunit napahinto ako at napahawak sa pader para suportahan ang sarili.
‘Diba dapat ako iyon? Bakit ko nararamdaman ito? Bakit ako nasasaktan?’ Litong-lito kong tanong sa sarili ko.