Chapter 20 BAHAGYANG nalito ako sa sinabi niya at bumitaw, “anong ibig mong sabihin?” Tanong ko, umayos ng upo habang nakatitig sa kanya at nakakunot-noo, “may alam ka?” Hindi siya nakasagot sa tanong ko at para bang nag-aalangan. “May alam kayo?” Muli ko na naman nararamdaman ang bugso ng damdamin ko at hindi maipaliwanag na emosyon. “Sia---” Pinutol ko agad ang sasabihin niya, “sagutin mo ang tanong ko, may alam ba kayo, matagal na ba? Bakit hindi ninyo sinabi sa ‘kin?” “Dahil alam namin na ganito ang magiging reaksyon mo, kung ano man ang sinabi ni sir Kalen sa ‘yo totoo lahat iyon, ito na ang oras para malaman mo ang katotohanan, katulad ng kwento sa ‘kin ng mga magulang ko, may malaking koneksyon ang mga magulang mo sa mga Langston, hindi lang naman kayo ang pamilya rin namin,

