Chapter 19
UNANG bumungad sa ‘kin ang cream na kulay ng kisame nang maidilat ko ang mga mata ko, naramdaman kong may iba pa akong kasama maliban sa ‘kin kaya agad akong napabangon sa malambot na kama, namilog ang mga mata ko nang makita si Kalen na nakaupo sa dulo ng kama, umayos ako ng upo at siniksik ang sarili sa malambot na headboard ng kama.
“May ginawa ka ba sa ‘kin? Anong ginagawa mo rito? Anong ginagawa…ko rito?”
Nalito ako sa pangyayari na wala ako sa madilim na silda kundi sa hindi ko kilalang silid, hindi ko naman masasabing silid ko ito dahil magarang ayos nito na para bang nakatira ako sa palasyo, brown and cream ang nangingibabaw na kulay, mga abstract na painting, halaman sa loob, maroon na kurtina sa bintana at pinto ng balkonahe. Ang gintong lampshade sa nakapatong sa nightstand. Ang malaking kabinet sa tapat ng kama at bilog na lamesang gawa sa mahogany at sofa na kulay asul.
Muling bumalik ang atensyon ko sa kanya, napansin ko ang pag-aalala sa mga mata niya, “anong balak mo?” Hindi ko maiwasang tanungin muli siya.
“Wala naman, kinuha lang kita sa silda dahil hindi dapat nilang gawin sa ‘yo iyon,” wika niya saka siya tumayo, “may pagkain dyan sa lamesa, kung kaya mo na mag-hapunan ka na.”
Namilog ang mga mata ko, “gabi na ba?”
Paalis na sana siya at parang wala akong balak kausapin, “teka, saan ka pupunta? Pwede bang ipaliwanag mo ito ng maayos sa ‘kin, bakit ninyo ako kinuha? May balak kayong masama sa ‘kin, wala naman kayong mapapala at saka pakisabi sa mga kasama mo na---”
Natigilan ako nang bigla siyang humarap sa ‘kin na napasulyap ng seryoso sa ‘kin habang halos magsalubong ang mga mata niya, hindi ko alam kung na iinis na ba siya sa ‘kin, wala na ba akong karapatan magalit?
“Paumahin sa mga bagay na biglaang pangyayari pero wala akong magaga para roon,” wika niya.
“Alam mo na ba?” Tanong ko sa kanya.
Ngunit ang pagiging tahimik niya ang nagsasabi ng sagot niya.
“Hindi ko pa rin maintindihan, katulad ng sinabi mo may mga bagay na mahirap ipaliwanag, tama ka kasi hindi maproseso ng utak ko ang nangyayari kaya please lang ipaliwanag ninyo sa ‘kin ng maayos, ipaliwanag mo,” sabay lunok ko dahil may kung ano na namang bumabara roon at nanunuyot sa lalamunan ko.
“Matagal nang nabubuhay ang mga katulad namin, bawat heneresasyon ninyo’y naroon kami, hindi na kami mawawala dahil mas matanda pa kami sa mga kalahi mo, nagsasaling-lahi rin ngunit may iba’t ibang tribo at paniniwala kami. May kanya-kanya rin kaming ipinaglalaban, Sia, kung ako ang tatanungin nasa tama kaming panig o sabihin nating liwanag. Gusto mong malaman kung paano nangyari ang lahat, humingi ng tulong ang mga magulang mo sa amin noong iniluwal ka ng ina mo’y patay ka…”
Nanlaki ang mga mata ko sa aking narinig, ‘totoo ba iyon?’
“Nagsisinungaling ka,” bulalas ko ngunit hindi niya pinansin ang sinabi ko.
Dahan-dahan siyang naglakad at lumapit sa puwesto ko kaya napatingala ako habang nakaupo pa rin sa kama habang nakasiksik.
“May mga grupo ng mga tao na naniniwala sa amin at isa roon ang mga magulang mo. Nanatili siyang tahimik at hinayaan na lumipas ang panahon na walang nakakaalam, kabilang sila sa pinagkakatiwalaan ng pack, humingi sila ng tulong sa amin na mabuhay at bigyan ka pa ng isang pagkakataon, binigay namin iyon, kitang-kita ko kung paano ka muli nagkaroon ng buhay at masaya nilang tinanggap ang handog na iyon, dahil sa ginawa namin nakatakda kang ikasal sa isang lider ng mga lobo, nakatakda kang ikasal sa ‘kin,” dagdag pa niya at wala akong makitang nagbibiro siya.
“Humingi sila mama at papa ng pangalawang pagkakataon para sa ‘kin? Bakit wala akong alam, ano iyong nangyari kila mama? Bakit sila pinatay ng mga kauri ninyo?” Hindi ko namalayan na nagiging emosyunal na ako sa harapan niya.
“Sabi ko sa iyo, may mga kanya-kanyang paniniwala at tribo kami, nadamay sila sa away ng mga tribo dahil tumulong sila sa amin na matapos sila…kaya ganu’n ang naging kinatapusan nila, hindi namin gusto ang nangyari sa kanila, hindi ko gusto ang nangyari, Sia,” pakikiramay niya, “nag-uumpisa na naman sigalot sa dalawang tribo, hindi sila titigil hangga’t hindi nila nauubos ang mga taong nakapalibot sa amin, bumalik sila para tapusin kayo lalo ka na dahil alam nilang may malaking parte ka sa pack na ito, hindi matutuloy ang propisiya kung wala ka…”
Napapikit ako at tuluyang tumulo ang mga luha ko. Hindi ko namalayan na inabot na pala ng kamay niya sa pisngi ko para haplusin ako at punasan ang mga pumapatak na luha gamit ang hinalalaki niya. Muli akong napadilat at napatitig sa nakakalunad na asul na mga mata niya. Hindi ko maintindihan ang sarili ko, hindi ko maintindihan ang nangyayari sa takbo ng buhay ko.
Umatras ako para layuan niya ako kaya naiwan sa eri ang kamay niya, “pwede bang iwan mo muna ako,” pakiusap ko sa kanya.
Hindi ko alam kung ano ang dapat kung maramdaman sa mga nalaman ko.
Hindi siya namilit pa at iniwan din ako sa silid na iyon hanggang sa isarado niya ito. Ang pakay ko lang naman sa pagbalik ko ay maibenta ang mansyon, bumalik sa lungsod at mamuhay ng tahimik na wala akong masyadong iniisip, hindi ko naman pinangarap ng ganitong plot twist sa buhay ko at maging asawa ng isang puting lobo mas matanda pa sa mga magulang ko.
Paano ko tatakasan ang propisiyang sinasabi nila? Hindi ito ang buhay na pinangarap ko sa ‘kin!
Yinakap ko ang mga binti ko at iniyuko ang mga ulo ko sa may tuhod para ipatong ang noo ko, hinayaan ko ang sarili ko ang sarili ko hanggang sa makaramdam na naman ako ng antok at pagod.
“HOY, Sia,” dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko nang marinig ko ang pamilyar na boses na tumatawag sa ‘kin. Muli na naman niya akong tinawag, nahirapan akong idilat ang mga mata ko dahil namaga ito sa kakaiyak at bigla na lanag akong nakaramdama ng gutom. Naaninag ko ang nag-aalalang ngiti ni Dario.
Dahan-dahan nanlaki ang mga mata ko at bumangon nang makita siya. Sinunggaban ko siya ng yakap at kahit pa paano’y nariyan ang mga kilala ko, na hindi ako nag-iisa.
Yumapak din siya pabalik, natatawa pa siya hanggang sa humina ang tawa niya nang humigpit ang yakap ko at manginig sa iyak.
“A-ayoko rito,” bulong ko sa kanya.
“Sorry pero wala akong magagawa ngayon, Sia, patawarin mo ko,” bulong niya pabalik.