Chapter 11

1376 Words
Chapter 11 ANOTHER event na pyesta ng White wolf ang pagkakaroon ng pag-display ng mga paninda ng mga small business, mga native craft nila at ilang pagkain na sa Caroline lang makikita. Usually, may mga invited na mga turista galing sa ibang lugar, bayan at probinsya na kalapit. Sa isang malaking court gaganapin para makapapili ang mga mamimili at ilang turista. Para rin ma-introduce ng Caroline kung gaano kayaman sa kultura ang probinsya nila. Pagandahan at iba’t ibang konsepto ang kanilang mga tent store ang tinayo para lang lapitan sila. May ilang hango sa mga pagkain ang display, may ilang about sa gamit at may ilang patugtog sa labas ng tent nila. Kailangan kong tumulong kila Nikita dahil hindi ko rin alam kung anong gagawin ko sa manor kung magpapaiwan ako o sabihin nating ayaw ko talagang magpaiwang mag-isa roon. Kumagat na ang gabi at mas lalong umiingay ang buong court, samu’t saring sigaw sa bawat kanto para lang puntahan sila. Ang tent nila Nikita ay simple lang, inayos lang namin ito na magmukhang bahay-kubo, dinisplay namin ang mga tanim nilang gulay, prutas at ilang fresh native eggs galing sa poultry. Sabi ni Nikita kanina hindi naman nila goal ang makabenta ngayong gabi, kung meron man ay okay lang dahil tradisyon na ng pamilya nila ang sumali sa event na ito. Nakapatong ang puting canvas apron sa suot kong bistida at cardigan parang yon ang nagsilbi naming costume para sa even na yon habang nakasuot din ako ng desert boots na itim para pumares pa rin sa farm boots nila. Nasa loob ng tent sila nikita para ayusin ang ilang crates habang tinutulungan ko si Dario na mag-ayos. “Hi,” napalingon agad ako sa bumati sa aking binata at agad kong nakita ang tindero sa antique shop sa bayan, “hindi ko alam na kamag-anak ka ng mga Roman,” komento nito habang nakatingin sa mga paninda namin. Sandali akong napasulyap kay Dario at nakipit-balikat lang ito. Mukhang hindi niya kilala si Zyair. “Hindi, bisita lang ako---” Agad na pinutol ni Dario ang sasabihin ko, “amo namin siya.” Napataas ang isang kilay ko sa sinabi niya, ilang beses na niya sinabi simula nong dumating ako rito. “Wow, ano nga uli ang pangalan mo?” “Sia,” agad kong sagot para tumugil na siya. “Sige, balik na ako, usap na lang tayo mamaya,” pagpaalam niya kaya tumango na lamang ako saka ako bumalik sa ginagawa ko. “Parang may naiwanan tayo,” paglabas Nikita sa tent habang may tinatanaw sa ilang panindang dala namin at nag-iisip, “sabi na nga ba yung mga lettuce, dalawang crates pa yon, iyon kasi ang madalas na mabili pag may ganitong event,” wika niya na para bang namoblema. “Ako na, ma, balikan ko,” suwetsyon ni Dario. “Ay sige, magpasama ka na kay Sia para mabilis kayo makabalik baka kasi kung saan ka na naman dumaan,” sambit ni Nikita, “kami na ni papa mo ang magbabantay total yon na lang ang kulang.” “Sige po, halika na, Dario.” Papalabas na sana kami ng court ng saktong pumasok ang mga Langston, hindi ko maiwasang hindi mapatingin kay Kalen at sa mga kasama niya ngunit mas nangingibabaw siya mga naka-trench coat silang itim. Hindi niya kami napansin at dire-diretso lang sila papasok. Lumingon na lamang ako sa daraaan ko at agad na kaming nakarating sa paradahan ng mga sasakyan. Agad na nagmaneho si Dario ng truck nang makasakay kami. Ilang minuto lang ang makalipas nang makarating kami sa mahabang kalsada na dinadaan pabalik sa manor, walang mga streetlight kaya madilim sa kalsada at tanging ilaw na meron ay ang galing sa truck. Nagtataasan ang pine tree sa paligid, habang papalapit kami may napapansin ako sa di kalayuan ng kalsada na para bang may mga pulang ilaw sa dilim, naningkit ang mga mata ko, hindi ko muna kinibo si Dario dahil baka guni-guni ko lang pero nang dahan-dahan na kaming lumalapit unti-unti nanlaki ang mga mata ko at lalo na’t biglang huminto ang truck sa gitna ng madilim na kalsada. “Totoo ba ‘tong nakikita ko?” Bulong ni Dario mula sa driver seat. Hindi ako makahinga ng maayos sa kaba, naglalakihang parang mga aso, makakapal ang balahibo nila sa katawan, matatalas na kuko sa mga paa, mga pangil na handang bumaon sa mga balat namin at nanlilisik sa mga pares na pulang mata. Biglang sumagi sa ‘king alaala nang makitang muli sila dahil sila ang mga kauri ng nilalang na pumatay sa mga magulang ko. Hindi na ako nakapag-isip ng maayos nang tumakbo sila patungo sa amin, napasigaw ako nang maglundagan sila sa trunk ng sasakyan kaya malakas itong nayugyog at may ilang umakyat sa bubong. Muli akong napasigaw nong tumusok sa bakal na bubong ang mga kuko nila ngunit parang mas malakas pa ang sigaw ni Dario kesa sa ‘kin. Nanginginig ang buo kong kalamnan at pabilis nang pabilis ang pintig ng puso ko. “Halika na! Halika na!” Sigaw ko ngunit nang bubuksan ko ang pinto sa tabi ko agad na humarang ang itim na halimaw kaya napaatras ako, ilang beses niyang inundog ang sarili hanggang sa mabasag ang salamin. “Dito!” Hinatak ni Dario ang kamay ko kaya sa kabila kami dumaan. Halos magkandarapa ako palabas, agad kaming tumakbo palayo sa truck ngunit ramdam ko humahabol na sila hanggang sa humabol ang isa at humarang sa daraanan namin. Ramdam ko ang mahigpit na kamay ni Dario sa braso ko at mukhang katulad ko hindi rin niya alam ang gagawin. Nakadampot ako ng sangga ng puno at winasiwas sa harapan nila para hindi sila makalapit sa amin. Ngunit mabilis na dumamba ang isa sa ‘kin, bumagsak ako sa lupa kaya nabitawan ako ni Dario, ang bigat ng wolf, para siyang gutom na gutom at pinangharang ang sangga para hindi niya ako makain. Narinig ko na lamang ang papalayong sigaw ni Dario sa ‘kin. Gusto kong makatakas pero para na akong tinatakasan ng lakas at nanginginig ang mga kamay ko. Nabali niya ang sangga na pangharang ko kaya ang akala kong susunggaban niya ang buo kong mukha’y hindi nangyari nang may humagib sa kanya, napapikit ako sa gulat at sa bilis nito. Pagdilat ko, nakita ko nalang na nakikipaglaban ang puting wolf sa itim agad akong bumangon, nilayuan ng isa si Dario at sumugod din sa kasama niya para tulungan. Lumapit ako kay Dario, may mga galos sila sa braso at dibdib. “Mamamatay na ata ako,” bulong niya habang umaangos. “Huwag kang matutulog,” sabi ko habang hiniga ko siya sa binti ko. Hindi ko alam kung paano ko siya bibitbitin patungo sa truck. Muli akong napasulyap sa puting wolf na tatlo na ang kalaban, ngunit natalo niya ang isa nang kagatin niya ito sa leeg, mas malaki siya sa tatlo, mas mabilis at mas malakas. Nakalmot siya ng isa sa mga itim na halimaw ngunit agad siyang gumanti nang kalmutin din niya ito sa mukha kaya natamaan ang mata nito at umungol sa sakit na natanggap. Agad muling sinugod ng puti ang halimaw kaya tuluyan isa na lang ang natira. Parang naging duwag na aso ang natira at mabilis na kumaripas ng takbo patungo sa madilim na kakahuyan palayo sa white wolf. Sumulyap ang puting wolf patungo sa direksyon namin na para bang may isip, napalunok ako at kung may ano na namang bumara sa lalamunan ko. Bumibilis na naman ang pintig ng puso ko habang lumalapit siya sa direksyon namin. ‘Huwag,’ sa isip-isip ko. Hindi na niya tinuloy ang paglapit at dahan-dahan siyang umatras saka siya tumakbo patungo sa direksyon ng kalaban niya kanina. Doon lang ako nakahinga ng maluwag lalo na nong may ilaw na papalapit sa direksyon namin, na galing sa kotse, huminto sila nang makita kami. “Tulong!” Sigaw ko. Lumabas ang babae mula sa driver seat na nagtataka at nag-aalalang nakatingin sa amin lalo na kay Dario. “Ano bang nangyari?” Tanong niya. Napalingon ako sa mga itim na halimaw kanina sa ilang metro lang ang layo, ngunit kinabigla ko na anyong tao na sila at walang bakas na halimaw sila kanina. ‘Paano nangyari ‘yon?’ Parang hindi na proseso ng utak ko nang makita ang dalawang lalaking nakahandusay sa lupa at duguan. Nagsasalita ang babae sa tabi ko ngunit hindi ko na maintindihan ang paligid ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD