Chapter 12
HINDI pa rin ako makausap ng maayos ng pulis na nagtatanong sa ‘kin tungkol sa nangyari sa amin ni Dario, hindi ko rin maipaliwanag sa sarili ko kung ano ba iyon at mas lalong hindi maproseso ng utak ko kung talaga bang nangyari iyon lahat. Narinig ko na lang na nakikipagtalo si Nikita sa pulis na huwag akong pilitin hanggang sa napilitan ang pulis na aalis na sila at babalik na lang kung sakaling okay na ako sa traumang nakuha ko. Para bang naulit na naman yung nangyari kagabi, nakita ko na lang ang sarili kong nasa ospital na naman.
Walang pagkukulang sa nangyari lalo na’t hindi pa rin nagigising si Dario, sabi ng nurse na nalinis na ang sugat nito at nasa ayos ng kalagayan ngunit hindi kami mapanatag lalo na ang ina nito kung hindi siya magigising.
Yumuko ako at napansin kong sobrang dumi na pala dahil sa alikabok ng damit ko at apron na hanggang ngayo’y suot ko pa rin. Tumabi si Nikita sa ‘kin at ramdam ko pa rin ang kaba niya kahit hindi niya sabihin. Hinimas niya ang likod ko na para bang pinapakalma ako, para siyang ina na nag-aalala sa dalawa niyang anak, ayokong mangyari ‘to ang mag-alala sila sa ‘kin, kung tutuusin bisita lang ako. Hindi ko na ata kakayanin kung sa susunod na gabi ay mangyari pang ganito, dapat maasikaso ko na ang pagbenta ng mansyon para makabalik na ako sa Roseville city at baka mas malala pa rito ang sunod na mangyari.
“Kailangan mo ng magpahinga, Sia,” paalala niya gamit ang pagod niyang katawan, kaming dalawa lang ang nasa ospital dahil nagliligpit na ng mga panindang naiwan sa court.
“Ikaw po ang kailangan magpahinga, ako na lang po ang magbabantay kay Dario,” wika ko ngunit hindi na siya sumagot pa saka tumango.
Inalalayan ko siya papasok sa loob ng silid kung saan si Dario, halata sa mga mata niyang babagsak na nang maupo siya sa bakanteng higaan, maya-maya lang ay nahiga na siya at ipinikit ang mga mata. Huminga ako ng malalim at sa pag-upo ko sa sofang kulay asul nakaramdam din ako ng sobrang pagod. Hinayaan ko ang likod na sinandal sa malambot nitong sandalan, sabi ko babantayan ko si Dario ngunit sa isang iglap bigla akong ninakaw ng antok.
DINALA ako ng aking antok sa isang kakaibang panaginip ngunit parang totoo, ramdam ko ang diwa ko at para bang gising na gising ako. Para bang umiikot ang paligid ko, may dalawang upuan na may ilang metro lang ang layo, isang puti at itim na para bang trono sa desinyo nitong mga ginto at diamante.
Mabilis na nagbago ang sinaryo kaya iniisip ko uli na panaginip lang ang lahat, nakita ko naman ang sarili kong pinalilibutan ng mga itim na halimaw habang nakadapa sa kakahuyan at may nakapalupot na mga ugat sa katawan ko. Sa likod ng mga itim na halimaw may isang babaeng balot ng dugo at putik ang buo niyang katawan.
Nakalabas ang bituka niya, sikmura at patuloy ang pagsuka ng dugo niya. Nakatitig ako sa wala niyang emosyong mga mata, namumulta ang buong katawan, inabot niya ang nanginginig na kamay, nawala lang ang atensyon ko nang biglang mawala ang lahat…
Nanlaki ang mga mata ko ng magising ako mula sa kakaibang panaginip, hingal na hingal ako, nilalamig ngunit pinagpapawisan, pagsulyap ko sa kama ni Nikita’y wala na siya roon ngunit may nurse na tumitingin kay Dario ngunit wala pa ring malay ang binata.
Umayos ako ng upo at tinanggal ang apron kong suot. Para akong hinuhusgahan ako ng nurse ng titigan niya ako, alam ka niyang binabangungut ako?
Tumayo na ako para magising naman ako ng kaunti, “na saan na yung mama nong pasyente?” Tanong ko sa nurse.
“Lumabas lang po may bibilhin daw,” sagot niya, “sige po labas na po ako.”
Tumango ako at hinayaan siyang lumabas. Sinilip ko ang bintana ng hinawi ko ang kurtina ro’n, wala pang araw ngunit papaumaga na rin, makapal ang hamog lalo na sa di kalayuang mga bundok dahil sa lamig ng lugar.
Kinapa ko ang bulsa ko nang makuha ko ang papel na binigay sa ‘kin ni Nikita at binuklat uli ang mga nakasulat na pangalan doon. Kinuha ko rin ang phone ko na ngayon ko lang nakitang may crack ang screen, siguro’y dahil sa nangyari kagabi, hindi ko alam kung nadaganan ko ata, agad kong dinial ang number ni Kalen para matawagan siya.
Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan nang rumehistro ang numero niya sa screen, saka ko tinapat sa tenga ko at saktong pagtapat nang may sumagot sa linya.
“Hello, this is Kalen Williard Langston, speaking.”
‘Bakit ba ako kinakabahan?’ Tanong ko sa isip ko nang maramdaman ko ang bilis nang pintig ng puso ko. Hindi ko alam na ganu’n ka aga’y gising na siya.
“Hi, ako nga pala si Euphrasia Benjamin, ang may-ari ng Benjamin manor na balak mong bilhin, gusto mo bang magpa-set ng date for touring ngayong week? I can free myself anytime.”
“Pwede ba tayong magkita ngayong araw…kung okay lang sa ‘yo?”
Hindi ko akalain na ganu’n kabilis, “yes, sure.”
“Magkita na lang tayo sa mismong mansyon ninyo,” dagdag pa niya bago niya ako binabaan ng tawag at doon lang ako nakahinga ng maluwag.
Sakto namang kakapasok pa lang ni Nikita sa loob ng silid nang humarap ako sa pinto, “kailangan kong umuwi sa mansyon,” wika ko agad sa kanya.
***
Agad naman akong sinundo ni mang Ryan para maihatid sa manor pabalik, nagligo agad ako pagdating at nag-ayos. Wala pang ilang minuto nang pagkalabas ko sa mansyon ng maka-received ako ng private messages galing kay Kalen na malapit na raw siya’y saktong andoon siya sa labas, tinatali ang stallion niyang kulay itim sa isang puno, hindi pa ako nakakapagsuklay ngunit kinamangha ko ang ayos niya ngayon na siyang masasabi kong napakayaman niyang tao para kasi siyang galing sa pangangabayo.
Complete gear ang suot niya simula sa itim na safety helmet niya, dress boots na itim na hanggang tuhod, kulay gray na breeches or skinny leggings, fitted white shirt na nakatupi hanggang sa siko niya, black vest at elastic black slip-on gloves.
Bumalik lang ako sa realidad at hindi nagpahalatang nakatitig ako ng halata nang agad akong mag-iwas nong makalapit siya sa ‘kin. He looks intimidating right now.
“Pwede na ba tayong mag-start?” Tanong niya.
Tumango-tango ako at muling sumulyap sa deep blue eyes niya, “yes.”