Chapter 69

1181 Words
Chapter 69 “Hindi ba pandaraya ang gagawin natin,” agad kong binawi ang pagkakahawak niya sa ‘kin saka ko binawi ang kamay ko sa kanya. Agad akong tumayo kaya sumunod din siya sa ‘kin, nakaramdam ako ng pagkahilo kaya muli niya akong inalalayan pero tinulak ko lang siya palayo, sa malamang hindi niya inaasahan na ganito ang magiging reaksyon ko. Tinignan lang niya ako saka ako tumayo ng maayos kahit pa may pananakit pa ako sa likod at ulo. “Bakit sa tingin mo lalaban ba si Miranda ng patas sa ‘yo? Paano kong kayo ang matira? Kilalang trickster sa mahika si Miranda sa buong Templar na nakuha pa niya sa mga magulang niya, mataas ang tingin niya sa sarili niya dahil alam niyang may ibubuga siya pagdating sa ganito, hindi lang sa larong ‘to maari mo siyang makaharap, sa tingin ko hindi papayag ang panig nila na ikaw ang manalo, mas matagal na ako sa Templar kaya tinuturo ko sa ‘yo ang dapat mong matutunan at kailangan mong ingatan ang sarili mo sa loob na ‘to lalo na’t malayo ang loob nila sa ‘yo.” Sa muling pagkakataon nakita ko na naman siyang seryoso, minsan lang siyang maging ganito pero alam mong may makubuluhan ang sasabihin niya. Tumango-tango na lamang siya, “kung hindi ka komportable ayos lang, may choice ka kung anong gusto mo kaya naiintindihan ko,” paatras siyang naglakad, “magpahinga ka na muna,” saka niya ako tuluyang iniwan mag-isa roon. Hindi ako makapag-isip ng maayos kaya lumabas na ako nang silid-aklatan ngunit at naglakad sa hallway ngunit paglabas ko ng silid-aklatan nakaramdam ako na parang nasa ibang lugar ako kaya sandali akong natigilan sa kinatatayuna ko, nang humarap ako sa pinto ng silid kung saan ako nang galing nabigla ako nang bintana na ang naroon, bigla na lang bumilis ang t***k ng puso ko, nagpalinga-linga ako nang mapansin kong pamilyar ang ayos kung na saang lugar ako ngayon. Hindi ito maari! Hindi maaring makabalik ako sa mansyon ng mga Langston. “Ianuea magicae…” Ngunit mas lalo akong natakot na hindi pa rin ako nakakabalik Templar, ano nang gagawin ko nito? May animoy matang nakamasid sa ‘kin kaya agad kong hinanap hanggang sa manlaki ang mga mata ko nang makita si Kalen sa dulo ng hallway kung na saan ako ngayon, hindi ko na nagawa pang makakilos sa kinatatayun ko nang dahan-dahan siyang naglakad patungo sa ‘kin habang may hawak siyang pilak na baril sa kaliwa niyang kamay at napakseryoso ng mukha niya. “Kal…” Para akong tatakasan nang lakas ko ng itutok niya ang nguso ng baril sa mismong noo ko, mas lalong naglagabog ang dibdib ko, anong gagawin niya sa ‘kin? Patatayin na ba niya ako dahil sa ginawa ko sa kanya? Habang nakatuon ang atensyon ko sa kanya may mga boses akong naririnig sa paligid, minsang humihina at minsang lumalakas, isang chant para makulong ako sa isang dimensyon, sila ba ang may gawa nito? Baka hindi ko alam na nag-uumpisa na ang pagsusulit, bakit hindi ko alam? Bakit hindi nila ako sinabihan? Ano ba ‘tong nangyayari, habang tumatagal mas lalong nagiging weird ang paligid ko? Puno ng galit ang mga mata niya, kailangan ko na ata tanggapin ang kaparalan ko na ito talaga ang katapusan namin…Ipinikit ko ang mga mata ko at sa pagdilat ko mas lalo akong nabigla na nakapagpalitan kami ng posisyon, ako na ang nakahawak sa baril at sa ko naman sya nakatutok ang nguso nu’n. Ilalayo ko sana ang baril ngunit mabilis niyang nahuli ang kamay ko ng dalawa niyang kamay saka hinila pabalik saka madiin na tinutok ang baril sa noo niya. “Huwag mong gawin ‘to,” nanginginig kong wika sa kanya. “Mas gusto ko pang patayin muna ako kesa magkaganito tayo,” wika niya at tumulo ang luha mula sa mga mata niya. Parang dinudurog nang paunti-unti ang puso ko na makita siyang ganito. Wala na kaming koneksyon sa isa’t isa, naputol na ang tali sa pagitan namin ngunit bakit ganito pa rin? “Bitawan mo ko, ako na mismo ang lalayo, Kalen,” saka niya ako binitawan nang dahan-dahan saka ko ibinagsak ang baril sa sahig. “Sinasabi ko na nga.” Agad akong napaharap sa direksyon ng boses na iyon at nanlaki ang mata ko nang makita si Miranda habang nakatutok ang hawak niyang palaso’t pana. “Sadyang nanalaytay sa dugo ninyo ang pagiging traydor, Euphrasia,” dagdag pa niya saka niya binitawan ang tali, hindi na ako nakakilos at nakita ko na lang na tagusang tumarak sa sikmura ko ang palaso na lumabas sa likod ko. Nanghina ang tuhod ko at bumagsak. “Sia,” napabalikwas ako ng upo nang may maramdaman akong umaalog sa balikat ko at gumigising sa ‘kin. “Anong nangyari?” Tanong ko nang makita si Dario. Litong-lito siya habang nakakunot-noong nakatingin sa ‘kin, “lumabas ka ng silid-aklatan na wala kang malay, ano bang nangyari sa ‘yo? May masakit ba?” “Wala naman,” sagot ko habang nagtataka pa rin sa mga nangyari. Inalalayan niya ako at hindi na ako umimik, “baka kailangan mo lang ng pahinga.” ‘Panaginip lang ba iyon?’ Nakasalubong namin si Miranda at makahulugang ngising ang ibinigay niya sa ‘kin hanggang sa lumagpas siya. ‘…kilalang trickster sa mahika si Miranda sa buong Templar na nakuha pa niya sa mga magulang niya,’ sumagi sa ‘king alaala ang sinabi ni Dario kanina. Natigilan siya nang lumayo ako sa kanya at bumitaw sa pagkakahawak. Humarap ako, “payag na ako.” Pinaningkitan niya ako, “para saan?” “Payag na ako sa gusto mong mangyari, baka nga kailangan ko nang matutunan ang itim na mahika at ilang bagay na kailangan kong malaman, tulungan mo ko, Dario, na matutunan lahat ng iyon,” wika ko. Ngumiti si Dario na para bang natuwa siya sa naging desisyon ko sa pagkakataon na ito. “May pinaka-safe na lugar kung saan natin pwedeng gawin iyon at kailangan pa natin ng isa pang makakatulong sa ‘yo.” “Sino?” “Si Zyair.” Wala na kaming sinayang na oras nang pumunta kami sa ikalawang gusali sa pinakamataas na palapag nito, walang tao roon kundi kaming dalawa lang, napapalibutan kami ng mga lumang libro na kinuha ni Dario sa silid-aklatan, mga potion, mga kagamitan sa pag-aaral ng mahika at ilang dugo na galing sa hayop, mga garapon ng mga tuyong dahon at bulaklak, garapon ng asin. Saka naman dumating si Zyair na mukhang handa na rin. Hindi ko alam na mabuti na siya’t nakakalakad ngunit may mga benda pa sa kamay niya lalo na sa kanan. Ngumiti siya sa ‘kin nang makita niya ako kaya ngitian ko rin siya, nakahinga ako ng maluwag dahil alam kong nasa state pa siya ng una pa naming pagsusulit. “Ready na ba ang lahat?” Tanong niya saka niya sinara ang pinto. Tumango naman ako bilang sagot. “Mukhang handa naman na siya,” sagot ni Dario.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD