Chapter 68

1179 Words
Chapter 68 PUNO ng mga sugat ang mga braso niya, para siyang nalapnos lalo na ang ilang parte sa kamay niya na nangingitim at ang ilang daliri niya, may mga hiwa at sugat sa braso niya, may mga ilang galos at sugat din siya sa mukha. Hindi ko alam kung anong klaseng kinatatakutan o pagsusulit ang kinaharap ni Zyair sa likod ng pintong pinili niya. Nakahilata siya sa isang bakanteng kama sa infirmary wala siyang malay nang kunin siya at ilabas doon kaya pinuntahan namin siya. Ako ilang galos lang sa kamay at tuhod ang nakuha ko. Nagpapahinga rin kasama si Dario dahil nanghihina lang ako ng sobra pagkatapos ng pagsusulit, pumapangalawa siya sa maraming sugat na nakuha kay Zyair. “Huwag ka nang mag-alala magiging mabuti naman si Zyair, alam ko malakas siya at hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya iyan,” wika ni Dario sa kabilang kama malapit sa ‘kin, “baka siguro hindi niya kinaya ang kinatatakutan niya kaya nangyari iyon,” dagdag pa niya. “Kawawa pa rin siya,” hindi pa rin mawala ang awa ko para sa kanya. “Makakayanin din niya ngunit hindi nagsisinungaling ang pinto, Sia, ayon sa natamo niyang sugat mukha tungkol sa isang malalang trahedya o apoy.” Bigla ko naman naalala ang pinakita sa ‘kin nang pinto nong pumasok ako roon. Napakalakas ng mahika sa loob nu’n na kaya niyang maamoy at mabasa ang pinakatatautan mo sa lahat, lahat ng kinatatakutan ko iyon ang hindi ko inaasahan. Tumango na lamang ako bilang pagsang-ayon saka ako lumingon sa kanya kaya napalingon din siya sa ‘kin. Madali niyang mabasa ang nangyayari sa isang kaharap niya sa simpleng obserbasyon lamang, ano naman kaya ang nangyari kay Miranda? Wala siya sa infirmary sa malamang wala naman siyang kinatatakutan na malala, pero hindi ako naniniwala na walang sino man sa mundong ibabaw ang walang kinatatakutan, minsan mismong sarili nila ang pinakaunang kinatatakutan nila lalo na’t hindi nila gaanong kilala ang sarili, na ano pa bang maari nitong gawin kung sakaling pagbagsakan sila ng mundo. Lahat ng tao may tinatagong dilim sa kanila na ayaw nilang ipakita dahil sa oras na malaman ito ng lahat maari nilang ipanglaban ang kahinaan mo, ang kinatatakutan mo para matalo ka sa laban. “Ikaw ba, ano ba ang nakuha mo?” Tanong ko sa kanya, “pero ayos lang kung ayaw mong sagutin hindi kita pipilitin.” “Takot akong iwan nila mama…” Natigilan ako sa sinabi niya at napatitig sa kanya, hindi ako nagtanong at hinayaan lang siya kung itutuloy niya pa ba. “Sa buong buhay ko wala akong naging kaibigan o masasabi kong maari kong pagkatiwalaan, iba sa mundo ng mga mortal ngunit mas malala ang sitwasyon sa mundo natin, maari ka nilang patayin pag hindi ka sumang-ayon sa gusto nilang mangyari, iba mag-isip ang mga nilalang kung saan tayo nabibilang, ang mga magulang ko lang ang hindi namilit kung anong gusto kong mangyari sa buhay ko, hinayaan nilang makuha ang kakahayan ko at malaman ang kahinaan ko.” Nakatitig siya sa mga kamay niya habang pinaglalaruan ang mga daliri na para bang may nakakamanghang bagay doon. “Isa ka na sa maari kong pagkatiwalaan, Sia, parte ka na nang pamilya namin, hindi ka na iba sa amin.” May kung anong bumara sa lalamunan ko nang marinig ko galing sa kanya, hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong sabihin pagkatapos kong marinig sa kanya iyon, ngunit sa pagkakataon bahagyang gumaan ang pakiramdam ko, nararamdaman ko naman eh na hindi ako iba sa kanila kahit una pa lang kaming nagkita hindi nila sa ‘kin pinaramdam na iba ako. Ngitian ko siya, “salamat sa inyo.” Nagkipit-balikat lamang siya habang nakangisi, “may susunod pang pagsusulit at sa pagkakataon na ito kailangan mong matuto sa tricks para malaman mo ang totoo sa hindi at ilan pang mahika dahil tumgkol doon ang mangyayari sa ikalawang pagsusulit.” “Wala pa akong masyadong alam sa ganyan,” sagot ko naman bigla naman akong kinabahan nang maalala ko pagsusulit na naman kung bakit nagkakaganito kami. “Ako ang bahala, ituturo ko lahat ng alam mo at ilan pa na dapat mong malaman,” desidido niyang sagot. “Tama.” Sumunod na araw agad niya akong sinundo sa silid ko, pagkatapos ng agahan hindi na niya pinalampas nang pumunta kami sa isa sa pinakamalaking silid-aklatan ng mga lumang libro na naglalaman ng mga matitibay at mabisang mahika o kaya’y ekantasyon. Walang gaanong gumagamit ng silid-aklatan at sa may tagong parte kami ng silid-aklatan. Nakasulat sa ibang lenggwahe ang mga pamagat ng mga libro at nilalaman nito ngunit nagtataka ako nang naiintindihan ko ang mga ito. May ilang tungkol sa pinakamabilis na teleportation, tungkol sa lason, kung paano bumasa nito o malaman siya, kung paano mo maibabalik ang mahika sa kalaban na hindi niya nahahalata at itim na mahika na maaring makamatay sa kalaban mo o paggagamitan mo. Hindi pa nag-uumpisa alam kong mabigat ang bawat mahikang nababasa ko sa isip pa lamang. “Habang nag-aaral tayo kailangan mong isapuso, kailangan may tiwala ka sa sarili kung hindi maaring bumalik sa ‘yo ang ginawa mong mahika, mas kailangan mong ingatan ang paggamit ng itim na salamanka…ito,” saka niya nilapag ang makapal na itim na libro tungkol sa luma at itim na mahika na iilan lang ang kayang makabasa o makaitindi para magamit ito. May ilan siyang binuklat na pahina bago niya hininto sa isang pahina na may drawing na pentagram sa gitna. Sa una para silang lumulutang dahil hindi ko siya maintindihan pero nang maging malinaw ito sa ‘kin aksidente kong binulong kong anong nabasa ko huli na ang lahat bago magsalita si Dario. “Hindi mo basta-basta babasahin ang---” Hindi ko na narinig pa ang mga sumunod niyang sinabi nang makita ko na lang ang sarili kong bumagsak sa paanan ng isang shelves, sobrang lakas na tumama ang likod ko roon bago ako bumagsak, nakita ko na lamang si Dario na patakbong lumapit sa ‘kin narinig ko ang mga sigaw niya bago ako matamaan sa likod ng mga librong bumagsak at ulo ko bago dumilim ang paligid ko. Napabalikwas ako ng bangon at agad akong dinaluhan ni Dario nang magising ako. “Ayos ka lang ba? Sorry hindi kita agad nadala sa infirmary malalaman kasi nila ang ginawa natin, kailangan sikreto lang ito,” nag-aalala niyang wika, “gusto mo bang saka na natin gawin ito sa---” Masakit pa ang katawan ko pero nagawa ko pang magtaka sa kanya, “anong ibig mong sabihin?” Tanong ko sa kanya. “Bawal ang itim na mahika sa mga katulad nating sasabak pa lang,” sagot niya. Hindi ko alam kung maiinis ako sa kanya o ano ba ang dapat kong maramdaman ko sa kanya, “bakit hindi mo sinabi agad?” “Dahil gusto kong ikaw ang manalo, diba sinabi ko sa ‘yo na gagawa kami ng paraan para makapasok ka doon, kasi para talaga sa ‘yo iyon,” seryoso niyang sagot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD