Chapter 8

1408 Words
Chapter 8 NAKITA ko na lamang ang sarili kong tumatakbo sa kakahuyan, kakaibang kakahuyan at hindi ko alam kung paano ako napunta ro’n. Madilim ngunit tama lang para makita ko ang daan, puno ng mga lalaylay na vines ang mga puno sa paligid. Nakasuot ako ng puting pantulog habang walang saplot ang sumasakit kong paa dahil sa mga tinik at mabatong dadaanan sa kakahuyan. May mga boses akong naririnig, mga tumatawag sa pangalan ko kasabay ng malakas na tawa na nag-echo sa buong kakahuyan. Malamig…malamig sa pakiramdam ang makapal na hamog at hanggang sa may humila sa paa ko para bumagsak ako sa lupa. Paglingon ko sa paa ko ang mga vines sa puno ang may gawa, para sulang nagkaroon ng sariling mga buhay, isa-isa silang humahaba, pataas nang pataas ang pagpulipot hanggang sa pati ang mga kamay at katawan ko’y hinihila na rin nila pabalik kung saan ako nang galing. ‘Hindi! Hindiiii!’ *** Napasinghap ako nang magising at idilat ang mga mata nang magising ako. Sobrang lakas ng kalabog ng dibdib ko, pinagpapawisan ako ng malamig ngunit ramdam ko pa rin ang lamig ng hangin. Nakarinig ako ng animoy paghampas kaya napasulyap ako sa direksyon ng bintana, nabigla ako nang makitang bukas ito at hinahampas ng malakas na hangin ang makapal na kurtina para liparin ito. Agad akong bumangon, lumapit at sinara ang bintana saka inayos ang kurtina. Pagharap ko sa silid ko nagising ang buong diwa ko nang makaramdam ako ng kakaiba…na para bang may nagmamasid sa ‘kin, pagod pa rin ang katawan ko simula nong nakauwi kami kagabi pero hindi ko magagawang makatulog na may ganito akong pakiramdam sa paligid ko, lalabas na sana ako para humingi ng tulong kila Nikita ngunit napatigil ako nang maisip kong baka isipan nilang nababaliw na ako kaya kinuha ko ang unan at kumot ko. Binuksan ko ang pinto sa banyo at pumasok do’n. Ni-lock ko ang sarili ko ro’n at inayos ang gamit ko sa mismong bathtub saka ako nahiga sa loob nito. MABUTI na lang at gumising ako ng maaga kahit pa hindi ako masyadong komportable sa bathtub. Hindi na rin ako kailangan gisingin pa nila Nikita para sumabay sa kanilang agahan at nakakahiya. Tumulong na lang ako at naupo sa harap ng bilog na lamesa habang kaharap din sila. “Maayos ba ang unang gabi mo rito?” Nag-aalalang tanong ni Nikita. Ngumiti ako ng bahagya pero mukhang walang buhay kung ako ang magsasabi, “okay naman po ako, wala naman kayong ipag-alala sa ‘kin.” “Gusto ko pa rin humingi ng tawad sa nangyari kagabi,” dagdag pa niya. “Wala po ‘yon may mga bagay talagang hindi natin inaasahan, maraming salamat po sa pag-aalala ngunit hindi na ninyo ako kailangan isipin masyado,” sabi ko kahit din si Dario ay wala sa katulad niyang ingay at tahimik lang sa tabi kong kumakain. “Pwede ba magpahatid kila Langston?” Sandaling katahimikan at isa-isa silang tumingin sa ‘kin hindi siguro nila na gets kung anong ibig kong sabihin kaya para silang namamangha. “Gusto ko lang sana bisitahin yung tao kung nasa ayos ba siyang kalagayan? Sabi nila ako main suspect sa nangyari, gusto ko lang masigurong hindi siya mamamatay dahil masyado pa akong bata para maikulong sa pagkakamaling hindi ko naman nagawa,” paliwanag ko sa kanila. Dario’s awkward laughed filled the whole dining area, hindi ko alam kung anong ibig sabihin nang biglang pagtawa ni Dario ngunit hindi ko na lamang pinansin, sinamaan siya ng tingin ng kanyang ina kaya muli siyang tumahimik. “Kung yan ang gusto mo, pwede kang ihatid ni Dario pagkatapos niyang maghatid ng mga itlog sa Porta Vaga,” pagsang-ayon ni Nikita, “at marami pa kaming aasikasuhin dito ni Ryan para sa mga ilang pang ihahatid sa baying mga supplies ng gulay.” Tumango ako, “maraming salamat.” *** Wala akong nagawa kundi ang tumulong din muna kay Dario, ayaw man niya akong pagbuhatin ng mga itlog na ibaba wala siyang nagawa dahil isa-isa ko na lang inaalis ang mga tray sa tapat ng isang antique shop ang ilang itlog dahil katabi nu’n ang organic shop grocery. Buhay na buhay na naman ang Porta Vaga, hindi naman gaanong mainit at malamig sa lugar kaya ayos lang magkikikilos. Baka kasi pag hinayaan ko ang sarili kong walang gagawin baka hindi na dumaloy ang dugo sa katawan ko. “Hindi mo naman kailangan gawin,” wika niya habang nagsasabay kami sa paglalakad at may bitbit na tray. “Tulong ko na rin…” binaba ko nang maingat ang tray sa tabi kasama ang ilang itlog bago ako humarap sa kanya, napasulyap ako sa pawisan niyang mukha, “ito kasi sasamahan mo ko kila Langston.” Ngumisi siya, “hindi mo naman nga kailangan gawin.” “Mahina ba ang tingin mo sa ‘kin?” Bigla kong tanong sa kanya. Nagtaas siya ng kamay na para bang na-holdap saka siya umiling, “hindi ah, ganito kasi bisita ka namin at parang amo kaya hindi mo dapat ginagawa ‘to lalo na’t may kasalanan pa ako kagabi.” Huminga ako ng malalim, “huwag mo na lang isipin ‘yon.” “Haharap ka kasing marumi at pinagpapawisan kila Langston. Baka ma-intimidate ka pag nakita mo sila,” dagdag pa niya. Bigla naman akong napaisip sa sinabi niya, “ano bang klaseng pamilya sila? Bakit parang masyado ninyo siyang ginagalang?” “Marami na kasing nangyari sa Caroline, isa sila sa pagbabago, hindi sila Mayor ng lugar pero mas mayaman pa sila, mas marami pa silang naitulong sa bayan at probinsya na ‘to kaya sila kilala. Maraming pumipila na babae kay sir Kalen dahil sa tindig niya, pero mas gwapo pa rin naman ako sa kanya,” bigla niyang singit kaya napangiwi ako umayos naman siya ng tayo nang mapansin niyang hindi ako sumang-ayon sa sinabi niya, “mga elegante ang pamilya ng Langston, kahit sa kabilang probinsya kilala siya…sila. Sige, ‘wag ka nang tumulong ako na lang dito ka na lang at magpahinga muna sandali ‘wag kang haharap nga kasi na haggard.” Kaya umalis na siya at bumalik para namang haharap akong ligaw sa mga Langston kaya hinayaan ko na lang siya. Tumunog ang bell sa pinto nang antique shop nang magbukas ito kaya napasulyap ako ro’n. Sinundan ko ng tingin binatang naglabas ng ilang paninda para sa display niyang mga manika, librong luma, bike na hindi ko alam kung gagana pa at ilang mga bagay na hindi ko alam kung nabibili pa. Naalala ko yung ganitong shop sa Roseville pero mas bahagyang malaki ro’n kesa rito sa probinsya. Pumasok na siya kaya napasunod ako para makita ang loob, minsan lang kasi ako makakita ng nag-business ng ganito. Ngunit namangha ako nang pumasok ako dahil sa ayos, para bang ang enchanted dahil sa mga kandilang kakaiba ang hugis at kulay. May owl siyang natutulog sabitan nito sa counter, mga cloak at ilang dream catcher. “Hi, magandang umaga,” napasulyap ako sa binata nang batiin niya ako, may ngiti sa labi niya na para bang normal na niyang ginagawa ‘yon araw-araw, may kakaiba sa kanya ngunit hindi naman siya nakakatakot. “Good morning,” bati ko pabalik. “May kailangan ka ba?” Tanong niya habang nililinisan niya ang ilang librong nakapitan ng alikabok, “sorry ah, ngayon na lang uli ako nakabalik sa shop kaya medyo maalikabok at marumi pa ang lugar, ako ang may-ari ng shop…” May specs siyang suot na hugis bilog, sa singkit niyang mga mata para siyang lalabang idol o singer, matangkad siya na kasing tangkad ni Dario may kapayatan ang katawan ngunit tama lang pero hindi naman ganoon, medyo magulo ang buhok niyang bahagyang basa, matangos ang ilong at brown na pares na mga mata. May pagkaputla ang balat niya at sa pananamit niya, papasa na siyang nerd sa college. “Wala naman, na-amazed lang ako sa buong shop,” komento ko. Tumigil siya at humarap, “talaga? Wow! Minsan lang may maka-appreciate na ganyan sa mga ganito, it’s an art diba, Zyair pala,” medyo nabigla ako nang magpakilala siya. Hindi ata kailangan magpakilala, magsasalita pa sana ako nang may kumatok sa pintong salamin kaya nakita ko agad si Dario na tinuturo ang relo niya and mouthed, ‘halika na at kailangan na nating umalis.’ Tumango ako at humarap kay Zyair, “bye salamat, aalis na ako.” Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin niya at lumabas na lamang ako. “Tapos na ako, akala ko kung na saan ka na naman nagpunta, andoon ka lang pala,” sabi ni Dario, “aalis na tayo papunta sa Langston manor,” dagdag pa niya bago siya sumakay ng driver seat ng truck.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD