Chapter 9

1139 Words
Chapter 9 HUMINTO ang truck sa tapat ng isang malakas at mas mataas na metal gate. Nakaukit sa metal na gate ang katagang LANGSTON MANOR, may bantay sa loob sa may guard house, taas ng pader na nakapalibot sa buong mansyon na napupuno na ng mga dahon at vine roots. Puno nang mga pine tree ang paligid at mga bulaklak. Hindi ko pa natatanaw ang mismong mansyon at biyahe pa kami ng ilang metro bago kami makarating do’n. Nagpaalam si Dario na lalabas para magtanong sa guwardiya kaya hinayaan ko na lamang siya hanggang sa makalapit siya sa gate. Lumabas ang lalaki sa guard house, nakasuot ng sunglasses na itim, habang may headset bud sa kanan niyang tenga at hindi naman siya mukhang guard sa porma niya dahil para siyang PSG sa tindig nito. Natanaw ko na lang na kinakausap niya si Dario at makailang lumingon sa truck kung na saan ako. Umiling-iling ang guwardiya, tumango naman si Dario at kumaway saka ito nagmadaling umalis. Bumalik si Dario sa loob at nawala ang ngiti niya nang lumingon sa puwesto ko. “Ano raw ang sabi?” Tanong ko sa kanya. “Wala sila riyan, may pinuntahan daw ang pamilya kasama si sir Kalen,” sagot ng binata, “sa susunod na araw na lang, iniwan ko na lang ang contacts natin para kung sakaling na andyan saka mo na lang uli bisitahin,” paliwanag pa nito. Tumango ako ngunit may pagkadismaya dahil nasayang ang oras namin ni Dario. “Sige, alis na tayo, salamat nga pala at sorry,” sambit ko. “Naku, wala iyon at saka wala na akong gagawin kaya balik na tayo sa manor, gusto mo bang tumulong sa barn house,” alok niya sa ‘kin sa pag-iiba niya ng usapan. “Pwede naman---” hindi ko na tuloy ang sasabihin ko nang bigla siyang magsalita. “Teka, sila ‘yon ah,” sabay turo sa rare view mirror, sandali akong sumilip do’n saka ako lumingon sa likod mismo ng truck para makita sila ng malinaw, may paparating sa direksyon naming kotse, isa…dalawa…tatlong itim na mga kotse na mukhang mamahalin. Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa kaya lumabas ako ng kotse ko, narinig ko pang tinatawag ako ni Dario na para bang pinipigilan niya ako hanggang sa makalayo na ako sa truck at makalapit sa unang kotseng nakaparada. Ito yung itim na BMW nakita ko kahapon, sinilip ko sila mula sa salamin ngunit tinted at hindi ko sila gaanong maaninag…napatalon ako sa gulat nang bumisina ito nang sobrang lakas at napahawak ako sa dibdib ko habang nanlalaki ang mga mata kong nakatitig sa kotse. Lumapit ako sa kotse at kinalampag ang passenger seat na bintana. “Pwede ba!” Sigaw ko sa kanila, napakaarogante. “Teka lang, Sia, ‘wag sila,” takot na saway ni Dario nang hatakin niya ako palayo ro’n. Bumaba nang dahan-dahan ang bintana sa passenger seat at nakita ko ang malamig na titig ng pamilyar na babae. Siya rin yung babae sa ospital kagabi, maganda siya lalo na’t bagay sa kanya ang gray niyang mga mata at kulot niyang brown hair. Fair ang kayumanggi niyang kulay at papasa na siyang model sa vogue magazine. “Anong kailangan mo? Kayo ‘tong haharang sa kalsada tapos kakalampagin mo yung kotse namin,” iritado niyang wika para na siyang sisigaw pero may pagka-elegante at class siya kahit na galit na siya sa ‘kin. “Bakit naman kayo bumusina? Kailangan bang gawin?” Tanong ko rin pabalik sa kanya. “Ano bang kailangan niya, Mare?” Natigilan ako nang may narinig akong boses at napasulyap ako sa bintana sa backseat dahil doon nang galing ang boses ng lalaki. “Hindi ko alam sa mga ‘to, young master,” inis pa ring sagot ni Mare. “Paumanhin ah, kami yung naghatid kay sir Kalen kagabi sa ospital, gusto lang siyang makausap ng amo kong si Sia at kumustahin kung ayos lang ba siya wala naman kaming ibang intensyon kung wala siya aalis din naman kami,” si Dario na ang nagpaliwanag sa kanila, “halika na,” sabay hatak niya sa ‘kin paalis do’n kaya wala akong nagawa. “Teka lang…” Natigil kami at humarap mula sa kanila ngunit sa pagkakataon na ‘to nakababa na ang bintana sa backseat. Hindi ko maiwasang mamangha na naman sa kanya, nakasuot siya ng turtle neck black at pinatungan ng itim din na coat. Nakaayos ang kulutan niyang buhok at nakakamangha kung paano tumitig ang misteryoso niyang asul na mga mata. Napakunot-noo ako nang mapansin kong wala namang kakaiba sa kanya at para bang wala na siyang sugat sa sintido katulad kagabi, ibig sabihin okay na siya? Umubo ng peke si Dario kaya saka lang ako bumalik sa realidad at do’n ko lang napagtantong napakatagal ko pa lang nakatitig sa kanya. Huminga ako ng malalim at bigla na lang nakaramdam ng kaba dahil hindi siya tumitigil sa kakatitig. “Anong pangalan mo?” Tanong niya. “Euphrasia Benjamin, gusto ko lang---” “Sa loob na tayo mag-usap kung may kailangan ka,” lumingon siya kay Mare kaya napalingon din ako sa dalaga at napansin kong parang gulat na gulat siya bago nagbawi nang tingin, “pakisabihan sa loob na papasukin ang bisita. Tumango siya, “opo,” saka siya may kinuha. HINDI nagtagal at pinayagan din kami nilang makapasok sa mismong compound na lupain ng mga Langston, hindi ko maipaliwanag ang yaman nila dahil para na itong hacienda, sa gitna nito nakatayo ang Victorian ear style nilang manor na may touch of modern design, maraming nagkalat na bantay sa paligid, maraming pine tree, mga fruit trees sa malamig na klima, mga nagkalat herbs sa paligid at ornamental plants. Nagkalat din ang mga bantay sa labas na akala mo bahay ng presindente ang nakatira rito, kaya siguro kilala sila sa probinsya na ‘to dahil sa karangyaan ng buhay nila, nang makapasok kami sa mansyon, walang-wala ang mansyon ng mga Benjamin kesa rito sa modern style at mga kagamitan nito. Dinala nila kami sa isang silid kung saan walang masyadong gamit kundi lamesa, upuan at mga halaman. May salaaming pader kaya natatanaw ang isa pa nilang hardin mula ro’n sa silid na ‘yon. “Wow! Ngayon pa lang ako nakapasok dito, ang ganda nga pala,” komento ni Dario na namamangha rin katulad ko. Inihandaan na nila kami ng snacks na nakapatong sa board na may ham, cheese, grapes and biscuit saka nila kami hinaian ng red wine. Agad namang kumuha si Dario ro’n para tikman ngunit hindi na siya makapagsalita sa sobrang sarap ata ng kinakain niya at nakapikit pa na akala mo nasa isang TV commercial ng pagkain. Napalingon ako pinto nang may pigurang pumasok, para siyang high-end model ng magazine dahil sa mga mamahalin niyang damit, tumayo ako at hindi pa rin kami napapansin ni Dario. “Hindi pa pala ako nagpapakilala, ako nga pala si Kalen Williard Langston at ang may balak bumili ng Benjamin manor,” pakilala niya saka ko lang napagtantong siya pala ang Langston na nasa top list.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD